Ginebra kukunin si Slaughter bilang no.1: Sangalang, Almazan, Teng pag-aagawan din
MANILA, Philippines - Inaasahang opisyal na hihirangin ng Barangay Ginebra si Greg Slaughter bilang No. 1 overall pick ng 2013 PBA Rookie Draft.
Ang 6-foot-11 5/8 na si Slaughter ang magiÂging tampok sa event na nakatakda ngayong alas-4 ng hapon sa RobinÂson’s Place sa Ermita, MaÂnila.
Noong 1995 ay kinuha ng Ginebra si 7’1 Edward Joseph Feihl bilang No. 2 overall pick, samantalang noÂong 1996 ay hinirang niÂla si 6’9 Marlou Aquino bilang No. 1 overall pick.
Sa kanyang unang pagÂbisita sa ensayo ng Gin Kings ay maluwag na tinanggap si Slaughter niÂna 2012 PBA Most VaÂluable Player Mark CaÂguiÂoa at team consultant AlÂfrancis Chua.
“It looks like a real good team. They got athÂleÂticism, veteran leadership, and the only thing they are really missing is a big man in the middle,†saÂbi ng 25-anyos na si SlaughÂter sa naunang paÂnaÂyam ng Spin.com.ph.
“Hopefully, I can fill that plug and be a complete team and get things going,†dagdag pa ng daÂting Ateneo Blue Eagle.
Makakasama sa Gin Kings ni SlaughÂÂter, ipiÂnaÂÂngaÂnak sa Ohio, USA at nag-aral sa Don Bosco High School sa Cebu City, ang mga dating Ateneo Blue Eagles na sina LA TeÂÂnoÂÂrio, Japeth Aguilar at Eman Monfort.
Si Monfort ay dinala ng Barako Bull sa GinebÂra kapalit ni reserve guard Rob Labagala.
“We got you now Mr. Bigladen,†biro ng 6’8 na si Aguilar kay Slaughter sa kanyang Twitter account na @japethaguilar35.
Ang aktibidad ay paÂnguÂngunahan nina PBA Commissioner Chito SaÂlud at bagong board chairman Ramon Segismundo ng Meralco.
Si Slaughter ang magiÂging ikalawang sunod na sentrong tinanghal biÂlang No. 1 overall pick maÂtapos si 6’10 June Mar FaÂjardo ng Petron Blaze noÂong 2012.
Ang kukuha sa No. 2 ay ang 2013 Governors Cup champion San Mig Coffee kasunod ang Rain or Shine (No. 3), Barako Bull (No. 4, 5 at 6) Globalport (No. 7), Alaska (No. 8), Rain or Shine (No. 9) at San Mig Coffee (No. 10).
Puntirya ng Mixers si daÂting NCAA MVP Ian Sangalang ng San SebasÂtian, habang asam ng ElasÂto Painters si 6’7 Raymond Almazan ng Letran.
Ang No. 4, 5 at 6 picks ng Energy ay posible niÂlang ipagpalit sa ibang koÂÂponan.
Wala namang pick sa first round ang Petron, AirÂ21, Meralco at nagdeÂdepensang Philippine Cup champion Talk ‘N Text.
Mula sa orihinal na 85 aplikante ay naging 79 ang bilang ng mga aplikante.
Ito ay matapos umatÂras ang dalawa at tinanggal naÂman sa listahan ang apat na hindi sumipot sa tradisyunal na rookie biometrics.
Ang dalawang umatras ay sina Mar VillahermoÂsa at Jeff Viernes at ang mga inalis sa listahan ay sina Japs Cuan, Mark Berry, Franz Delgado at Jumel Chien.
Ang ilan sa mga inaÂaÂsaÂhang makukuha sa draft ay siÂÂna Jeric Teng, 2013 UAAP MVP Terrence RoÂÂmeo, RR Garcia, Nico SalÂÂva, James ForÂrester, JeÂÂrick Fortuna, Ryan BueÂnafe, Jett Vidal, Eliud PoÂligrates, Carlo LasÂtimosa, JuÂstin Melton, Isaac HolsÂtein, JR CawaÂling, Justin Chua, Rob CeÂliz, Alex NuyÂÂles, Nate MaÂtute at LA Revilla.
- Latest