^

PM Sports

Rose itinakas ang Bulls sa Knicks Paul nagbida sa Clippers

Pang-masa

LOS ANGELES -- Si­yam na laro ang agwat ng Clippers kontra sa se­cond-place na Golden State noong nakaraang sea­son para sa unang divi­sion championship ng prangki­sa.

Muling uminit ang la­banan ng dalawang kopo­nan matapos umiskor si Chris Paul ng 42 points at nagtala ng 15 assists sa 126-115 paggupo ng Clippers laban sa Warriors.

Ang tatlong assists ni Paul para sa alley-oop dunks Blake Griffin ay kan­yang ginawa sa loob ng 30 segundo sa third quarter.

“Those three plays star­ted with defense, and that’s what got us going,” wika ni Griffin. “That’s a positive thing, and we have to learn from that. We have to know that we can extend a lead and put the game where we need it to be with our defense.”

Nagposte ang Clippers ng club-record na 56 wins sa nakaraang season.

Binuksan nila ang 30th season sa Los Ange­les noong Martes mula sa 103-116 kabiguan sa La­kers.

Naglista si Griffin ng 23 points at 10 rebounds na na-foul out sa huling 3:53 sa fourth quarter.

Nagdagdag naman si reserve Jamal Crawford ng 17 points, habang hu­ma­kot si DeAndre Jordan ng 17 rebounds at 9 points.

Tumapos si Stephen Curry, nagsumite ng NBA single-season record na 272 3-pointers noong nakaraang season, na may 39 points at 9 assists para sa Warriors.

Nagsalpak siya ng siyam na tres laban sa Clippers.

Sa Chicago, nagsalpak si Derrick Rose ng isang baseline floater sa huling 5.7 segundo para ilusot ang Chicago Bulls laban sa New York Knicks, 82-81, para sa kanyang kauna-unahang home game matapos magkaro­on ng left knee injury 18 bu­wan na ang nakararaan.

“That’s what builds your resume,’’ sabi ni Rose. “Leaves a mark on your legacy.’’

Naglista ang 2011 NBA MVP ng 18 points mu­la sa 7-of-23 fieldgoals shooting.

Ibinigay ni Tyson Chandler sa New York ang 81-80 abante sa hu­ling 10.8 segundo buhat sa kanyang split sa free throw line

Nakuha ni Rose ang bo­la sa gilid at dumiretso pa­ra sa kanyang baseline floater laban kina Chandler at guard Raymond Felton sa huling 5.7 se­­gun­do na nagresulta sa stan­ding ovation.

BLAKE GRIFFIN

CHICAGO BULLS

CHRIS PAUL

DERRICK ROSE

GOLDEN STATE

JAMAL CRAWFORD

LOS ANGE

NAGLISTA

SHY

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with