^

PM Sports

Opisyal na iniretiro si Iverson

Pang-masa

PHILADELPHIA -- Ang pinakamagandang laro ni Allen Iverson ay muling ipinakita sa big screen kung saan ito pinanood ng kanyang mga diehard Philadelphia 76ers fans at ni Julius Erving.

Ang killer crossover sa kanyang rookie season na nagpakain ng alikabok kay Michael Jordan ay itinampok dito. Ang jumper na kanyang isinalpak laban kay Tyronn Lue ng Lakers sa Game 1 ng 2001 NBA Finals.

Ang lahat ng ito ay ipinakita sa araw ng pamamaalam ni A.I.

 Opisyal nang nagretiro si Iverson sa NBA na wala nang tumanggap sa kanya apat na taon na ang nakararaan matapos ang kanyang huling laro.

“I always felt like it was cool being me,’’ wika ni Iverson.

Nagretiro si Iverson sa Wells Fargo Center, ang lugar kung saan niya hinasa ang kanyang talento para sa posibleng Hall of Fame career.

Pinangunahan ni Iverson ang Sixers sa 2001 NBA finals, nagwagi ng apat na scoring titles, nagkaroon ng sigalot kay coach Larry Brown at madalas maging miyembro ng All-Star game.

ALLEN IVERSON

HALL OF FAME

IVERSON

JULIUS ERVING

LARRY BROWN

MICHAEL JORDAN

NAGRETIRO

OPISYAL

TYRONN LUE

WELLS FARGO CENTER

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with