Bryant sabik nang maglaro sa darating na season
LOS ANGELES - Ang katatagan ni NBA superstar Kobe Bryant ay masusubukan ngayong season sa pagbabalik ng 35-anyos mula sa isang Achilles tendon injury.
Hindi makakasama si Bryant sa court sa pagsagupa ng Los Angeles Lakers sa Clippers sa pagsisimula ng kaÂnilang 2013-14 campaign sa Martes.
Hindi pa alam kung kailan siya magbabalik matapos ang isang surgery noong Abril.
“It’s the explosiveness,†sabi ni Bryant. “The explosiveness and the muscle endurance which takes a little time.â€
“I have to get my fat ass in shape, too. When I’m ready, I’m ready,†dagdag pa nito.
Maglalaro si Bryant para sa kanyang ika-18th NBA season.
Kumpiyansa si Lakers coach Mike D’Antoni na makakabalik sa kanyang porma si Bryant.
“It’s maybe just one more thing that pushes him,â€wika ni D’Antoni. “But he doesn’t really need it.â€
- Latest