Buenafe, anim pa posibleng matanggal sa PBA Rookie Draft
MANILA, Philippines - Sa kabuuang 85 aspirante, pito ang hindi dumaÂting sa idinaos na biometrics measurement para sa mga draft applicants kahapon sa Hoops Center sa MandaluÂyong.
Kabilang sa mga nang-isnab sa pre-draft acvitity ay sina dating Ateneo star Ryan Buenafe, University of Santo Tomas guard Japs Cuan at player-actor Ervic Vijandre bukod pa kina Mar Villahermosa, Jumel Chien, Carlos Fenequito, Franz Delgado at Mark Berry.
Sinabi ng PBA Commissioner’s Office na maaari pang tanggalin ang pangalan ng pito sa kanilang listaÂhan para sa 2013 PBA Rookie Draft na nakatakda sa Nobyembre 3 sa Robinson’s Place Manila sa Ermita kung walang maipapakitang magandang dahilan sa hindi nila pagdalo sa pre-draft event.
Ayon sa kampo ng 6-foot-2 na si Buenafe, apat na araw nang may lagnat ang dating Blue Eagle at nakaÂhanÂda silang magsumite ng medical certificate sa PBA office.
Sa sukat niyang 6-foot-11 5/8 ay hinirang si Greg Slaughter bilang pinakamataas na player sa draft.
Ang dating miyembro ng Ateneo at Gilas Pilipinas ang may pinakamahabang wingspan din sa hanay ng 85 aspirante sa sukat na 85 inches.
Si Slaughter ang may pinakamataas na vertical reach sa sukat na 11 feet at six inches sa dalawang beÂÂses niyang pagtatangka.
Siya rin ang player na nagbuhat ng pinakamabigat na 100-pound bench presses sa 40 beses.
Si Slaughter ang inaasahang kukunin ng Barangay Ginebra bilang No. 1 overall pick sa 2013 PBA Rookie Draft.
Ang Filipino-American at dating Gilas trainee na si Justin Melton ay nagtala naman ng pinakamaraming pushups sa bilang na 104, habang si dating Far EasÂtern UniverÂsity shooter Paul Sanga ang nagposte ng piÂnakamaraming sit-ups sa bilang na 533 beses.
Si University of the Philippines guard Mark Lopez ang naglista ng pinakamaraming pull-ups sa bilang na 53, samantalang apat lamang ang nagawa ni 2013 UAAP MVP Terrence Romeo ng FEU.
Samantala, ilalatag nina PBA Commissioner Chito Salud at outgoing chairman Robert Non sa PBA board of governors ang kanilang mga nagawa sa nakaraang season sa pagsisimula ng kanilang annual planning sesÂsion sa The Westin Hotel sa Sydney, Australia.
“Our mandate from the team owners is to make the games more exciting and be responsive to the fans,†wika ni Salud sa kanilang pagharap sa PBA Board. “We hope to sustain the momentum and maintain the reÂsurgence of Philippine basketball.â€
- Latest