^

PM Sports

May potensiyal ang Nets

Pang-masa

NEW YORK -- Nakita na ni Paul Pierce ang nangyari sa isang koponang sinasabing may potensyal at umangkin ng NBA crown.

Noong 2007-08 season ay nagtala ang Boston Celtics ng 66 panalo patungo sa pag-angkin sa NBA championship sa unang season ng pagsasama nina Pierce, Kevin Garnett at Ray Allen. Ngayon ay maglalaro sina Pierce at Garnett para sa Brooklyn Nets na ang koponan ay mas malakas kaysa sa Celtics.

“The potential is definitely there for us to be one of those teams that can be talked about in NBA history,’’ sabi ni Pierce. “But it’s up to us to go out there and show it, be healthy and make a great run, and then win a championship to be in those talks.’’

Ang bawat miyembro ng starting lineup ay naging isang All-Star at ang Nets ay may pinagsamang 36 All-Star selections. Ang Celtics ay hindi pa nasusubukan sa pagkawala ng kanilang Big Three.

Makakasama nina Pierce at Garnett sa first five ng Nets sina Deron Williams, Joe Johnson at Brook Lopez bukod pa kina Andrei Kirilenko at Jason Terry.

vuukle comment

ANDREI KIRILENKO

ANG CELTICS

BIG THREE

BOSTON CELTICS

BROOK LOPEZ

BROOKLYN NETS

DERON WILLIAMS

JASON TERRY

JOE JOHNSON

KEVIN GARNETT

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with