Cagayan De Oro kampeon ng ABAP Mindanao slugfest CAGAYAN
CAGAYAN de Oro , Philippines – Pinangunahan ni Jeronel Borres ang host Cagayan de Ore Team A sa pagsikwat sa overall title sa pagtatapos ng 2013 PLDT-ABAP Mindanao Area Boxing Tournament sa Tourism hall.
Ipinakita ng 17-anyos na si Borres ang kanyang bilis at depensa para talunin si Renemark Cuarto ng Pacman, Saranggani Province sa bisa ng 30-26, 30-25, 30-24 unanimous decision sa youth boys pinweight class.
Nirapido ni Borres si Cuarto sa unang 30 segundo pa lamang sa first round mula sa kanyang solidong head shot na nagresulta sa standing eight count kay Cuarto.
Muling niyanig ni Borres si Cuarto sa third round para tiyakin ang kanyang tagumpay sa five-day boxfest na inorganisa ng ABAP.
Naglahok ang CdO ng kabuuang 11 boxers.
“Unang gold ko ito sa division at susubukan ko na manalo sa National finals at kung magawa ko, papasok na ako sa national team,†sabi ng third year high school student sa Macasandig National High School.
Unang kumampanya ang 5-3 na si Borres sa Junior Boys noong nakaraang taon.
Apat pang miyembro ng CDO-A ang nanalo sa kanilang mga laban para angkinin ang overall title matapos ta-lunin ang CDO Team B at ang Pacman.
Humakot ang CDO-A ng kabuuang limang gold, isang silver at isang bronze medal.
Tinalo ni Carlo Paalam sa junior boys pinweight class si Samuel Salva ng Gingoog City via unanimous decision.
Pinayukod naman nina Marin Tabamo at Markwil Salvana sina Regel Lou Alde ng General Santos City at Valentino Linio ng Lutayan, Sultan Kudarat sa youth boys flyweight at lightweight, ayon sa pagkakasunod.
Nanaig si lady pug Shena Mae Jacinto kay Angelica Dadole ng CDO-B sa junior girls light flyweight class.
Ang lahat ng gold medal winners ay tumanggap ng P1,000 cash prize, habang ang mga second placers ay nag-uwi ng P750.00 at ang mga bronze me-dals winners ay binigyan ng P500.00.
- Latest