^

PM Sports

Masusubukan si Segismundo

NB - Pang-masa

MANILA, Philippines - Tatlong araw matapos ang 38th PBA season ay iluluklok ng PBA board of governors ang bagong chairman na si Ramon Segismundo ng Meralco na mamumuno sa annual planning session simula ngayon sa Sydney, Australia.

Si Segismundo kasama ang iba pang board members na kinabibilangan nina outgoing chairman Ro-bert Non ng Barangay Ginebra at PBA commissioner Chito Salud ay nakatakdang umalis kagabi.

Gagawa sila ng hakbang para mapanatili ng liga ang maganda nitong naipakita sa nakaraang season bilang pinakamataas na anyo ng sports entertainment sa bansa.

Umaasa silang matutumbasan ng liderato ni Segismundo -- isang eksperto sa human resources -- ang na-achieve ng PBA sa ilalim ng pamamahala ni Non.

“It’s going to be a very exciting year. We’ll continue if not surpass what we have achieved,” sabi ni Segismundo.

“Our theme will be ‘One PBA, One Philippines.’ We’ll try to forge a united basketball nation built around the PBA and built around a synergy among the PBA, Gilas Pilipinas and SBP especially as we go to Barcelona and Seoul in 2014,” ani Segismundo na nangako ng suporta para sa Team Phl na sasabak sa 2014 World Cup at sa Asian Games.

Tiniyak din ni Segismundo na gagawa siya ng mga bagay para magtuluy-tuloy ang tagumpay ng PBA kung gate attendance at fans satisfaction ang pag-uusapan.

“We’ll put in innovative programs. To start, we’re holding games in Manila, Cebu and Davao on opening day in line with the ‘One Philippines’ theme. For the 25th All-Stars, we’ll do something that has not been done before. It would be unprece-dented,” sabi ng opisyal.

Ang isa pang aksyon na gagawin ni Segismundo ay ang pagbalangkas ng plano para sa league expansion.

“We’ll start talking to prospective new ball clubs. It’s about time we expand,” wika nito.

Maraming ideya si Segismundo bagama’t tatlong taon pa lamang ito sa liga sapul nang bilhin ng Meralco ang prangkisa ng Sta. Lucia Realty noong 2010.

“I draw inspiration from the fans, the board and supportive team owners,” sabi ng Meralco senior vice president na siguradong suportado ni Philippine basketball patron Manny V. Pangilinan.

 

vuukle comment

ASIAN GAMES

BARANGAY GINEBRA

BARCELONA AND SEOUL

CEBU AND DAVAO

CHITO SALUD

MERALCO

ONE PHILIPPINES

PBA

SEGISMUNDO

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with