^

PM Sports

Mainit ang I Am On Fire

AT - Pang-masa

MANILA, Philippines - Mainit ang kaba-yong I Am On Fire nang makapagdomina ito sa nilahukang karera noong Miyerkules ng gabi sa San Lazaro Leisure Park sa Carmona, Cavite.

Ang class D jockey na si AI Reyes ang siyang hinete ng kabayo na lu­mabas bilang longshot sa gabing  ito.

Namumuro naman ang kabayo na manalo dahil  dalawang sunod na tumapos ito sa tersero puwesto pero ang hinete noon ay si EG Reyes.

Pero naipakita ni Reyes na kaya niyang dalhin ang I Am On Fire  nang maisantabi ang hamon ng Yellow Citizen sa pagdadala ni Mark Alvarez at pinatawan ng pinakamabigat na handicap weight na 57 kilos.

Umabot pa sa P74.50 ang ibinigay na dibidendo sa win habang ang 4-7 forecast ay nasa P303.00.

Hindi naman nagpahuli ang mga liyamadong Fort Belle at Lord Of War na nagwagi sa kanilang mga tinakbuhang karera.

Ang Lord Of War na hawak ni Pat Dilema ang siyang lumabas bilang pinakaliyamadong kabayo na kuminang sa walong karerang pinaglabanan para makatikim din ng panalo sa pangalawang takbo lamang sa taon.

Hindi kinaya ng Papa Ethan ang magandang kondisyon ng Lord Of War tungo sa panalo sa Special Class Division race na pinag­labanan sa 1,300-metro distansya. Balik-taya ang win  habang P8.50 ang nakuha ng mga nanalig sa 5-1 forecast.

Sa Jonathan Hernandez naman ang hinete ng Fort Belle na  tinalo ang Semper Fidelis na hawak ng apprentice jockey na si JD Flores.

Nasa P5.50 ang ibinigay sa win habang P11.50 ang dibidendo sa 6-1 forecast.

 

vuukle comment

ANG LORD OF WAR

FORT BELLE

I AM ON FIRE

LORD OF WAR

MARK ALVAREZ

PAPA ETHAN

PAT DILEMA

REYES

SA JONATHAN HERNANDEZ

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with