^

PM Sports

‘Di bumigay ang petron

AT - Pang-masa

MANILA, Philippines - Nagising ng Petron Blaze Boosters sa puntong handa na ang San Mig Coffee na kumpletuhin ang pagbangon mula sa malaking kalamangan para kunin ang 99-88 panalo sa Game Six ng PBA Governor’s Cup finals kagabi sa Smart Araneta Coliseum.

Si Elijah Millsap ay naghatid ng 13 sa kanyang 30 puntos sa huling yugto at siyam na sunod ang kanyang ginawa matapos kunin ng Mixers ang 82-80 bentahe sa tres nina Joe DeVance at Marqus Blakely sa huling 6:40 ng labanan.

Ang panalo ay nagresulta upang magtabla ang Boosters at Mixers sa 3-3 sa kanilang best-of-seven series. Ang deciding Game 7 ay lalaruin sa Biyernes sa Big Dome.

Inakala na mauuwi sa tambakan ang panalo para sa tropa ng Petron matapos lumayo ng 16,  59-43 sa buslo ni June Mar Fajardo. Kampante pang angat ang Boosters sa 13, 74-61  nang magtulung-tulong sina Peter June Simon, Marc Pingris at Devance sa 19-6 palitan para hawakan ang dalawang puntos na abante.

Huling tikim ng bentahe ng San Mig ay sa 86-85 sa buslo pa rin ni Simon pero sina Millsap, Chris Lutz, Alex Cabagnot at Marcio Lassiter ay nagpakawala ng 13-2 run upang itala ang final score.

Si  Jun Mar Fajardo ay tumipak ng 10 puntos at 12 rebounds habang si Elijah Millsap ay naghatid ng tig-pitong puntos sa unang dalawang yugto para bigyan ang Boosters ng 52-39 kalamangan.

 

Petron 99 - Millsap 30, Fajardo 21, Santos 12, Cabagnot 12, Lutz 11, Lassiter 7, Tubid 6, Kramer 0, Hubalde 0, Ildefonso 0.

San Mig Coffee 88 - Blakely 21, Devance 17, Yap 17, Simon 14, Pingris 13, Reavis 4, Mallari 2, Gaco 0, Barroca 0, De Ocampo 0.

Quarterscores: 28-19, 52-39, 74-63, 99-88.

ALEX CABAGNOT

BIG DOME

CHRIS LUTZ

DE OCAMPO

ELIJAH MILLSAP

GAME SIX

JUN MAR FAJARDO

JUNE MAR FAJARDO

MARC PINGRIS

SAN MIG COFFEE

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with