Favors pinapirma ng contract extention ng Jazz
SALT LAKE CITY -- Pinapirma ng Utah Jazz si Derrick Favors sa isang four-year contract extension.
Hindi ibinunyag ang detalye ng kontrata ng three-year veteran at hindi rin sumagot ang kanyang agent na si Wallace Prather.
Nagposte ang 6-foot-10 forward-center ng mga ave-rage na 9.4 points, 7.1 rebounds at 1.69 blocks sa 77 games noong nakaraang season.
Nagkaroon siya ng siyam na double-doubles.
“We have tremendous respect for and confidence in Derrick and see him as an important part of our future. He brings a toughness and defensive mindset that make him a key piece to what we are trying to build here,’’ ani Utah general manager Dennis Lindsey sa isang statement.
Si Favors ang third overall pick ng Nets noong 2010 draft galing sa Georgia Tech.
Kinuha siya ng Jazz sa isang trade noong Pebrero sa kanyang rookie season at kaagad naging fan favorite.
Si Favors ay magiging restricted free agent nga-yong season kung hindi sila nagkasundo ng Jazz bago ang deadline sa Oktubre 31.
- Latest