Batang Pinoy Luzon Leg Baguio nakaungos sa QC
IBA, Zambales , Philippines —Ang mga medalya mula sa arnis at sa muay ang nagtulak sa Baguio City sa overall title ng 2013 Batang Pinoy Luzon qualifying leg.
Naghahabol lamang ng dalawang gintong medalya bago simulan ang huling araw ng kompetisyon, lumayo ang Baguio matapos kumopo ng walong gold medals sa arnis at dalawa sa muay para agawin ang No. 1 position sa Quezon City.
Pinakamaraming gold medal na naibigay si Norie-lyn Sagun, 14-anyos, sa arnis matapos ihatid ang Baguio sa tagumpay sa girls anyo synchronized double identical weapon bukod pa sa mahusay na individual performances sa anyo single weapon, double identical weapon at sword and dagger events.
May gold rin si Rey Abogadi matapos manalo sa teammate na si Sheen Pakilan sa boys’ anyo sword and dagger event bago nakipagtulungan kina Pakilan at Eza Rai Yalong para sa anyo synchronized double identical weapon at sword and dagger title.
Nanalo rin ang Baguio sa girls anyo synchronized sword and dagger sa tulong nina Ariel Lee Lampacan (boys 14-15 51kgs) at Clyde Drexler Soriano (14-15 57kg).
Ang Baguio ay may kabuuang 47 gold, 49 silver at 37 bronze medals.
Ang Quezon City ay may 44-golds, 28-silver at 35 bronze medals para sa second place.
Sumandal ang Quezon City kina muay specialists Jessa Rivera (girls 14-15 42kg), Joshue Rivera (boys 14-15 42kg), Lolit Lauron (girls 45kg) at Sean Keith Rollon (boys 45kg) kasama ang kanilang mga pambato sa badminton na sina Jason Vanzuela (boys 12-under singles) at Glenn Felix Camillo (boys 15-under singles).
Ang mga medalists ng Luzon leg ay sasabak sa mga top performers ng Mindanao at Visayas leg sa National finals sa Bacolod City sa Nov.19-23.
Ang Pangasinan na regional champion noong nakaraang taon ay tumapos bilang third (25-25-29) kasunod ang Laguna (16-20-31) at Manila (16-7-6) sa pa-larong inorganisa ng Philippine Sports Commission.
- Latest