^

PM Sports

No. 1 seeding tangka ng Letran

AT - Pang-masa

MANILA, Philippines - Kumpletuhin ang dominasyon sa elimination round ang nais gawin ng Letran sa pagharap uli sa San Beda sa pagpapatuloy ng 89th NCAA men’s basketball ngayon sa The Arena sa San Juan City.

Kinuha ng Knights ang 74-67 panalo sa Lions sa unang pagkikita at kung madalawahan nila ang three-time defending champion, tuluyan na rin nilang hahawakan ang number one seeding sa playoffs.

Ang laro ay itinakda sa ganap na ika-6 ng hapon at kung ang Lions ang papalarin, aagawin nila ang unang puwesto sa Knights.

May 14-3 baraha ang bataan ni coach Caloy Garcia habang 13-3 ang karta ng tropa ni coach Boyet Fernandez.

Kung makakabawi ang Lions, kailangan pa rin ng koponan na manalo sa Arellano sa huling asignatura para tuluyang okupahan ang number 1 seeding.

Kapag nakasilat ang Chiefs, tabla sa 14-4 ang San Beda at Letran at magkakaroon ng playoff para sa final seedings.

Bagama’t pareho nang may twice-to-beat advantage sa semifinals, mahalaga pa rin ang maging number one dahil ang kalaban nito ay ang number four team.

Sa ngayon ay dalawang koponan na lamang ang naglalaban para sa ikaapat at huling puwesto sa Final Four at ito ay ang San Sebastian at Emilio Aguinaldo College.

Selyado na ng Stags ang playoff matapos kunin ang ika-10 panalo nang talunin ang Perpetual Help noong Sabado at puwede nang selyuhan ng Baste ang puwesto kung mananalo pa sa St. Benilde sa Huwebes.

Samantala, ipagpapatuloy sa ganap na alauna ng hapon ang naudlot na laban ng Lyceum at St. Benilde habang ang pang-4:00 na tunggalian ay sa pagitan ng San Beda Red Cubs at Letran Squires.

 

BOYET FERNANDEZ

CALOY GARCIA

EMILIO AGUINALDO COLLEGE

FINAL FOUR

LETRAN

LETRAN SQUIRES

PERPETUAL HELP

SAN BEDA

SAN BEDA RED CUBS

ST. BENILDE

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with