^

PM Sports

Angat na ang San Mig

Russell Cadayona - Pang-masa

MANILA, Philippines - Ang Mixers ang mas determinadong manalo at makalapit sa kampeonato.

Bumangon ang San Mig Coffee mula sa 12-point deficit sa second period para talunin ang Petron Blaze, 114-103, sa Game Five ng 2013 PBA Governors’ Cup Finals kagabi sa Smart Araneta Coliseum.

Umarangkada ang Mixers sa fourth quarter sa likod nina PJ Simon, Yancy De Ocampo, rookie Alex Mallari at James Yap para sa 3-2 bentahe sa kanilang best-of-seven championship series ng Boosters.

Isang panalo na lang ang kailangan ng San Mig Coffee laban sa Petron  para tuluyan nang angkinin ang kanilang ika-10 PBA championship, habang makakapantay ni coach Tim Cone ang record na 15 titulo ni legendary mentor Baby Dalupan.

“I think the key tonight is that we hit the big shots,” ani Cone. “It was a really good team effort.”

Ipinoste ng Petron ang 12-point lead, 46-34, sa 5:37 ng second quarter mula sa split ni import Elijah Millsap bago kinuha ng San Mig Coffee ang 113-99 bentahe sa huling 2:04 minuto ng final canto.

Humakot si Best Import Marqus Blakely ng 30 points, 15 rebounds, 7 assists at 2 steals para sa Mixers, habang naglista si Mark Barroca ng career-high tying na 22 markers, 10 assists at 2 boards.

 

 

vuukle comment

ALEX MALLARI

ANG MIXERS

BABY DALUPAN

BEST IMPORT MARQUS BLAKELY

CUP FINALS

ELIJAH MILLSAP

GAME FIVE

JAMES YAP

MARK BARROCA

SAN MIG COFFEE

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with