^

PM Sports

Cagayan wawalisin ang Smart sa serye

ATan - Pang-masa

MANILA, Philippines - Itala ang koponan bi­lang kauna-unahang team na nagkampeon sa pa­mamagitan ng sweep ang nais gawin ng Cagayan Pro­vince sa Game Two ng Sha­key’s V-League Season 10 Open Conference la­ban sa Smart-Cagayan nga­yon sa The Arena sa San Juan City.

Ang laro ay mapapanood sa ganap na alas-4 ng hapon at ito ay isasaere din ng live sa GMA TV Channel 11.

Galing ang tropa ni coach Nestor Pamilar sa 26-24, 25-11, 23-25, 11-25, 15-12 panalo sa Game One noong Martes para mai­sulong din ang winning streak sa 15-0.

“Hindi namin iniisip ang sweep kungdi ang mag-champion. Binigyan ka­mi ng pagkakataon at pag­sisikapan namin na ma­ganap ito,” wika ni Pa­milar.

Ang momentum na ta­ngan ay tiyak na makaka­tulong para manatiling ma­­tikas ang laro ng  mga ina­­asahan tulad nina Thai im­ports Kannika Thipa­chot at Phomia Soraya at mga locals na sina Ai­za Maizo at Angeli Tabaquero.

Asahan naman na ga­gawin ng Net Spikers ang lahat ng makakaya para ma­paabot ang serye sa Game Three sa Oct. 27.

Si Lithawat Kesinee ang mangunguna sa pag-atake ng Smart katuwang  sina Alyssa Valdez, Sue Roces at Gretchel Sol­to­nes.

Kailangan ng Smart na lumabas ang husay ng mga manlalarong gagami­tin dahil hindi tiyak kung makakasama nila ang 6-foot-2 na si Dindin Santiago na maaaring hindi pa­hintulutan ng National University dahil maglala­ro sila sa UniGames sa Ba­colod City.

Bago ang larong ito ay matutunghayan muna ang muling salpukan ng Phi­lip­pine Army at Philippine Air Force sa ganap na alas-2 ng hapon at hanap ng Lady Troo­pers na madup­lika ang 3-0 pa­nalo sa hu­ling tapatan pa­ra ibulsa ang ikatlong pu­westo.

ALYSSA VALDEZ

ANGELI TABAQUERO

CAGAYAN PRO

DINDIN SANTIAGO

GAME ONE

GAME THREE

GAME TWO

GRETCHEL SOL

SHY

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with