Unanimous win kay Barriga
ALMATY, Kazakhs-tan – Ipinakita ni London Olympian Mark Anthony Barriga ang kanyang ga-ling laban kay 2011 SEA Games silver medalist Ngoc Tan Huynh na kanyang tinalo via unanimous decision (30-27 lahat ng scorecards ng tatlong judges) para sa ikalawang panalo ng PLDT-ABAP matapos ang tatlong laban sa AIBA World Boxing Championships dito noong Miyerkules.
May tatlong pulgadang advantage ang kalaban ngunit umiskor si Barriga ng malulutong na counter punches at solidong left straights kontra sa Vietnamese.
Ginamit ng 20-gulang na Panabo native na two-time gold medalist at Sydney Jackson Tournament sa Tashkent, Uzbekistan, ang kanyang speed at footwork upang igupo si Ngoc.
Nahaharap si Barriga, sa mas matinding kalaban sa susunod na round na si Yosvani Veitia Soto ng Cuba, ang No. 5 seed sa tournament.
Ang 21-gulang na Cuban champion ay natalo sa bigating Chinese light flyweight na si Zuo Shi-ming sa London Olympics ngunit sa tingin ng marami doon ay nadaya siya.
Si Soto ay seasoned internationalist na dahil nakalahok na ito sa World Series of Boxing (WSB) at nanalo ng tournaments sa Kazakhstan, Bulgaria, Mexico at iba pa.
“Ok lang yon,†ani Barriga. “Pareho lang naman kaming nag-ensayo at nakita ko na naman ang laro niya. Paghahandaan ko na lang siya nang mabuti. Kondisyon din naman tayo.â€
Ipinanalo ni flyweight Roldan Boncales ang kanyang opening day assignment laban kay Guatemalan Olympian Eddie Barillas nitong Lunes.
Samantala, aakyat naman sa ring si Mario Fernandez ng Valencia, Bukidnon sa 56 kg bantamweight class sa Baluan Sholak Palace of Sports nitong Huwebes kontra kay Guyana two-time national champion Imran Khan.
Nauna nang natalo si 2011 SEA games gold medalist Dennis Galvan sa mas mabilis na boxer mula sa Azerbaijan na si Gaybatulla Gadzhialiyev, noong Martes para masibak sa kontensiyon.
- Latest