Petron lalayo; San mig tatabla
MANILA, Philippines - Sasandalan ang momentum dulot ng matin-ding panalo ang gagawin ng Petron Blaze Boosters sa pagbangga uli sa San Mig Coffee sa Game four ng PBA Governors’ Cup Finals ngayong gabi sa MOA Arena sa Pasay City.
Galing ang Boosters sa impresibong 90-68 dominasyon sa Mixers noong Miyerkules sa larong kanilang kinontrol mula first period para hawakan ang 2-1 kalamangan sa best-of-seven series.
Ang laro ay itinakda sa ganap na ika-8 ng gabi at nananalig si first year coach ng Petron Gee Abanilla na mananatili ang bangis na inilabas ng kanyang mga alipores para lumapit ng isang hakbang tungo sa ikalawang titulo ng koponan at pang-20 ng prangkisa.
“We always want to play hard and give our best, and if there’s the opportunity to get it, we’ll definitely go for it,†ani first year coach Gee Abanilla.
Bago ang laro ay pararangalan muna ng PBA ang mga mahuhusay na manlalaro na nasilayan sa taon sa awarding ceremony.
Tampok na parangal ay ang paggawad ng Season’s MVP na pinaglalabanan nina Arwind Santos ng Petron, LA Tenorio ng Barangay Ginebra at Jayson Castro ng Talk N’Text.
Ang iba pang ipamimigay na awards ay ang Mythical Team, All Defensive Team, Rookie of the Year, Most Improved Player at Sportsmanship Award.
Si Elijah Millsap na gumawa ng 28 puntos, lakip ang limang tres na kanyang pinakamarami sa tatlong laro sa series, ang mangu-nguna uli pero malaking papel ang gagampanan ng ibang kasamahan para makuha ang panalo.
Sina Junemar Fajardo, Marcio Lassiter at Santos na nagtambal sa 49 puntos sa huling labanan, ay dapat na magpatuloy ang init habang sina Dennis Miranda at Paolo Hubal-de ay kailangan ding magbigay ng quality mi-nutes lalo pa’t alanganin pa ang starting guard na si Alex Cabagnot na may right foot injury.
Sa kabilang banda, tiniyak ng beteranong coach na si Tim Cone na baba-ngon ang kanyang team sa magaganap na tagisan.
“Everything went wrong for us but we accept that and we’re ready to move on,†wika ng 55-an-yos na si Cone na hanap ang ika-15th titulo sa PBA.
Sina Marqus Blakely at James Yap na nalimitahan lamang sa 17 at 10 puntos sa huling tagisan ang ma-ngunguna sa Mixers ngunit dapat din na mahanapan ng solusyon kung paano pi-pigilan ang mga locals ng kalaban para mas tumibay ang asam na panalo.
- Latest