Itinabla ng San Mig
MANILA, Philippines - Kumpara sa Game One, hindi na nakaporma sina import Elijah Millsap, Chris Lutz at Marcio Lassiter sa fourth quarter sa Game Two.
Hinigpitan ang depensa kina Millsap, Lutz at Lassiter sa final canto, niresbakan ng San Mig Coffee ang Petron Blaze, 100-93 para itabla ang kanilang best-of-seven title series sa 1-1 sa 2013 PBA Governors’ Cup kagabi sa Smart Araneta Coliseum.
Sa 100-84 panalo ng Petron sa Game One, humugot si Millsap ng 14 sa kanyang game-high na 35 points sa final canto, habang umiskor naman sina Lutz at Lassiter ng 11 at 8 markers, ayon sa pagkakasunod.
Ngunit sa Game Two ay gumawa lamang si Millsap ng 6 points, samantalang may 6 markers si Lassiter at walang nagawa si Lutz sa kabuuan ng fourth period para sa Boosters.
Nakuha ni Millsap ang kanyang ikaanim at hu-ling foul sa 3:29 ng fourth quarter.
- Latest