Bradley itataya ang titulo laban kay Marquez ngayon
MANILA, Philippines - Ihahatid ng GMA-7 ang kapana-panabik na pagÂÂhaharap nina Timothy BradÂley, Jr. at Juan MaÂnuel ‘Dinamita’ Marquez na tinaguriang ‘World WelÂterweight ChampionÂship: Bradley vs Marquez ngayong alas-11 ng umaÂga.
Nakataya sa 12-round fight ang WBO welterweight belt ni Bradley na gaÂganapin sa Thomas & Mack Center sa Las Vegas, Nevada.
Ipapalabas ito via saÂtelÂlite sa GMA 7 Kapuso Network.
“I have one goal - go inÂto the ring, win and retire the great Juan Manuel MarÂquez,†ani Bradley.
Nakatakdang patunaÂyan ng 30-anyos na si BradÂley ang kaniyang kaÂhuÂsayan sa loob ng boxing ring matapos ang kanyang kontrobersyal na split deÂcision win kontra kay FiÂlipino boxing champion ManÂny Pacquiao.
Nagsimula ang kanyang boxing career noong siya ay 10-anyos pa laÂmang hanggang sa maÂging bahagi ng US boxing team.
Sinabi ng 40-anyos na si MarÂquez na waÂla pa siyang baÂlak magretiro.
“While I never thought that I would be fighting at this age, I have never felt that I should retire just because of my age,†ani Marquez, tinalo si Pacquiao noong Disyembre.
- Latest