Patok pa rin ang mga llamado
Nagpatuloy pa rin ang pagpapasikat ng mga liyamadong kabayo noong Huwebes ng gabi sa Santa Ana Park sa Naic, Cavite.
Tampok na panalo ay nailista ng King Of Reali-ty na tinalo ang coupled entry na The Lady Wins sa 2YO Maiden Race sa 1,200 metro distansya.
Paborito ang coupled entries sa siyam na kaba-yong naglaban at ang Red Cloud ni Jeff Zarate ang nagbaka-sakali na sirain ang asam na panalo ng mga katunggali.
Three-horse race ang nangyari mula sa alisan at sa far turn ay nakuha pa ng Red Cloud ang isang kabayong layo sa King Of Reality ni JB Guce.
Ngunit nasa balya ang nasabing kabayo para pagpasok sa rekta ay uma-ngat na ito.
Hinataw nang hinataw ni Guce ang sakay na kabayo para lumayo na tungo sa halos dalawang dipang tagumpay.
Nanlamig naman ang Red Cloud para matalo ng The Lady Wins na ginabayan ni Pat Dilema.
Unang opisyal na panalo ito ng King Of Reali-ty matapos ang dalawang takbo para makapaghatid ng P6.00 sa win.
Ang Red Cloud ang opisyal na nasegundo sa karera at ang 4-7 forecast ay mayroong dehado pang P57.60 dibidendo.
Lalabas bilang pinakadehadong kabayo na nanalo ay ang Face To Face na hawak ni Rode-rick Hipolito at tumakbo sa Handicap Race sa 1,200-metro distansya.
Nanalo ang kabayo noong Oktubre 1 sa isang class division 1-B sa pagdadala ni Pat Dilema ngunit ipinalagay na mapapahirapan sa labang sinalihan ng pitong kabayo dahil sa paglahok ng iba pang matitikas sa pangu-nguna ng She’s Gorgeous na nanalo sa huling takbo.
Pero kondisyon ang Face To Face at ang tinalo ay ang dehado ring Galing Galing ni JL Paano para magkaroon ng magandang dibidendo ang mga dehadista.
Nasa P21.00 ang win pero bumawi sa forecast ang dibidendo na pumalo sa P151.50 sa 1-4 kumbinasyon.
- Latest