La Sale o USTE? Matira ang matibay!
MANILA, Philippines - Asul o dilaw ba ang mamamayaning kulay sa 76th UAAP men’s basketball?
Ang katanungang ito ay magkakaroon ng kasagutan sa huling pagtutuos ng La Salle at UST ngayong ika-3:30 ng hapon sa Mall of Asia Arena sa Pasay City.
Tiyak na hihigitan ang nakitang aksyon sa Games One at Two sa larong ito dahil wala nang puwang para sa isang kamalian lalo pa’t do-or-die ang labang ito.
“Naituro ko na sa kanila ang dapat na ituro. Sa la-rong ito, mental na ang mahalaga. Kung sino ang ka-yang hawakan ang pressure at gustong manalo, siya ang mananalo,†wika ni Tigers coach Alfredo Jarencio na nakauna sa serye sa 73-72 iskor.
Nais ng UST na kunin ang ika-19th na titulo sa UAAP at maging kauna-unahang number four team na magkampeon sapul nang gamitin ng liga ang Final Four.
Si Jeric Teng na nasa kanyang huling taon ng pag-lalaro ay tiyak na magpapakamatay sa larong ito at ganito rin ang inaasahang makikita sa iba pang beterano na sina Aljon Mariano, Kevin Ferrer, Karim Abdul at Clark Bautista.
“Si Aljon, andiyan lang iyan, malay mo pumutok sa larong ito. Si Kevin walang magandang ipinakita kaya ang dapat gawin ay bumawi na lamang. Isa ring dapat naming gawin ay limitahan ang mga fouls,†ani pa ni Jarencio na huling nakatikim ng UAAP title ay noong 2006 pa sa kanyang rookie year.
Ang makatikim ng kampeonato sa unang taon sa liga ang nais namang gawin ni La Salle mentor Juno Sauler.
Ang height advantage ang pangunahing sasandalan ng Archers bukod pa sa gilas nina Almond Vosotros, LA Revilla at Jeron Teng. Pero may dagdag na puwersa sila sa pagbabalik mula sa injury list ni Matt Salem na isang 3-point specialist.
“Malaki ang maitutulong niya para bumuka ang depensa ng kalaban at makakilos ang mga malalaki namin,†wika ni Sauler na gumamit lamang ng pitong manlalaro sa kinuhang 77-70 panalo sa Game Two noong nakaraang Sabado.
Inspirasyon ng Archers ang naitala ng 1999 champion team na pinamunuan nina Ren Ren Ritualo, Don Allado, Dino Aldeguer at team captain na ngayon ay Vice Mayor ng San Juan Francis Zamora, matapos bumangon ang koponan mula sa kabiguan sa unang tagisan at ipinanalo ang mga sumunod na labana.
- Latest