Maghihigpit na ang POC
MANILA, Philippines - Hindi na magpapadala ang Pinas ng malaking delegasyon sa mga international competitions tulad ng Southeast Asian Games at Asian Games.
Sinabi ni Philippine Olympic Committee president Jose Cojuangco kahapon na wala nang mga ‘sabit’ sa mga Philippine team sa mga event na nabanggit.
“Hindi na puwede yung basta sasali lang tayo,†ani Cojuangco.
Hindi na rin paiiralin ng POC ang have-money-will-travel scheme kung saan kahit hindi nakapasa sa criteria ang mga athletes ay makakasama pa rin sa delegation basta sa-riling gastos nila.
Gagawa na ngayon ang POC ng mas estriktong criteria.
Para sa 27th SEA Games sa Myanmar sa December, ipapadala ng Pinas ang pinakamaliit na delegasyon.
Sa POC general assembly noong Miyerkules, ipinasa ni SEA Games chef-de-mission Jeff Tamayo ang pangalan ng 208 Filipino athletes na nag-qualify para sa Myanmar Games.
May apat na golfers pa ang humahabol. Maaa-ring bumaba pa ang bilang kung hindi mapatutu-nayan ng mga kasama sa listahan na karapa’t dapat silang isama.
Kahit hindi mabawasan ang 208 athletes, ito pa rin ang pinakamaliit na delegasyong ipadadala ng Pinas sa SEA Games.
Noong 2011, nagpadala ang Pinas ng 512 athletes sa Indonesia at nanalo ng 36 gold, 56 silver at 77 bronze medals para sa sixth place lang.
- Latest