Hindi na patatagalin pa ng Cagayan at Smart-Maynilad
MANILA, Philippines - Walisin ang kanilang mga katunggali para maitakda ang pagkikita sa finals.
Ito ang layunin nga-yon ng Cagayan Pro-vince at Smart-Maynilad sa pagtapak nila uli sa The Arena upang harapin ang Air Force at Army sa Game Two ng Shakey’s V-League Season 10 Open Conference semifinals ngayong hapon.
Unang sasalang ang Net Spikers at Lady Troopers sa ganap na ika-2 ng hapon at hanap ng una na maduplika ang kanilang 28-26, 25-17, 19-25, 29-27 tagumpay sa unang pagkikita noong Martes.
Si Alyssa Valdez ang siyang gumana sa mahalagang tagpo sa fourth set para makabangon ang koponan mula sa triple-set point na kalamangan ng Army.
“Kailangan lamang na magpatuloy ang pagtitiwala namin sa aming kakayahan at ang magandang samahan para manalo,†wika ni Valdez na huhugot din ng suporta sa bagong Thai import na si Wanida Kotruang, Kesinee Lithawat at mga locals na sina Sue Roces, Maru Banaticla, Jem Ferrer at Rubie de Leon.
Maibalik ang init ng paglalaro ang gagawin naman ni Army coach Rico de Guzman at aasahan niyang mangunguna ang mga dating MVPs ng liga na sina MJ Balse, Michelle Carolino at Nene Bautista para maitakda ang deciding Game Three sa ligang inorganisa ng Sports Vision katuwang ang Shakey’s.
Ika-14 sunod na panalo ang gusto rin ng Lady Rising Suns kung mapapataob uli ang Air Women sa ikalawang laro dakong alas-5 ng hapon.
Mas malakas na pa-nimula ang tiyak na ha-hanapin ni coach Nestor Pamilar para hindi maulit ang pagkatalo sa first set ng koponan sa huling tagisan.
Sakaling may mangyaring Game Three sa ligang may ayuda ng Accel at Mikasa, lalaruin ito sa Linggo.
- Latest