Houston 2013-14 preview
MANILA, Philippines - Sa pagdadagdag ng dominanteng frontcourt player sa katauhan ni 6’11 Dwight Howard, maipagpapatuloy ng Houston ang tradisyon ng prangkisa ng pagkakaroon ng mahusay na sentro para maging championship-caliber team.
At dahil ang magmamando ay si Hall of Famer na si coach Kevin McHale, nakilalang best low-post threats sa NBA history, higit niyang matutulungan si Howard, itinuturing na NBA best big man, na lalong maging dominanteng player.
“My job is to put him into positions to succeed,†sabi ni McHale sa Houston Chronicle. “That should be easy. I told him if he’s not dominating at both ends of the floor in the paint, I’m not doing a good enough job getting him to play to his potential.â€
Magbibigay si Howard kay coach McHale ng inside threat sa opensa para kumplementuhan ang perimeter play ni All-Star guard James Harden na siyang bumalikat ng opensa ng team noong nakaraang season.
Malaki rin ang magiging kontribusyon ni Ho-ward, ang tanging player na itinanghal ng tatlong sunod na beses bilang NBA Defensive Player of the Year Awards (2009, 2010, 2011) sa depensa.
Mayroon siyang average na 2.2 blocks at 1.0 steal sa kanyang nine-year career kasama ang 18.3 points at 12.9 rebounds per game.
Bagama’t si Howard ang magiging haligi ng depensa ng team, si Harden naman ang magiging pa-ngunahing sandata ng Rocket sa opensa.
Matapos manalo ng 2011-12 Kia NBA Sixth Man Award (sa Oklahoma City Thunder), lumipat si Harden sa Rockets at itinuturing na siya ngayong isa sa pinakamahusay na player. Pang-walo siya sa botohan para sa 2012-13 Kia NBA Most Valuable Player Award sa kanyang (25.9 ppg), assists (5.8 apg), rebounds (4.9 rpg) at steals (1.8 spg).
Ang offensive tempo team ay responsibilidad naman ni guard Jeremy Lin.
Naririyan din ang mga bagong saltang sina veteran center Marcus Camby, forward Omri Casspi, guard Reggie Williams at ang mga holdover na sina Aaron Brooks at Francisco Garcia.
- Latest