Cone vs Abanilla
MANILA, Philippines - Isang espesyal na lugar sa kasaysayan ng PBA ang nakataya sa sagupaan nina coaches Tim Cone at Gee Abanila sa paghaharap ng sister teams na Petron Blaze at San Mig Coffee sa PBA Governors’ Cup na magsisimula sa Biyernes sa Mall of Asia Arena sa Pasay City.
Ito ay labanan ng dalawang powerhouse na na-ging dominante sa elimination round ng season-ending tourney. Sina Cone at Abanilla ay maglalabanan sa husay sa pagko-coach.
Tangka ng 55-gulang na si Cone na mapantayan ang all-time best record ni coach Baby Dalupan na 15 championships habang hangad naman ni Abanilla na maging ikapitong coach na manalo ng PBA crown sa kanyang unang conference sa liga.
Hindi na lingid sa lahat ang husay ni Cone sa pagko-coach dahil nagbunga ito ng 14 championships sa Alaska Milk at isa sa San Mig Coffee sa kanyang unang taon sa team noong 2011.
Napatunayan naman ng batang coach ng Petron ang kanyang sarili matapos ibangon ang Blazers na hindi naging produktibo nitong huling dalawang taon.
Naging epektibo si Abanilla sa Boosters para dominahin ang elims sa 8-1 record bago nalusutan ang Barangay Ginebra sa quarterfinals at Rain or Shine sa semis para itakda ang finals showdown laban sa tropa ni Cone.
Masama ang naging kampanya ng Boosters sa hu-ling limang kumperensiya sa ilalim nina coaches Ato Agustin, Rajko Toroman at Olsen Racela.
Kung magtatagumpay, makakahanay ni Abanilla sina Ciso Bernardo (Crispa, 1984), Arlene Rodriguez (Shell, 1990), Chot Reyes (Coney Island, 1993), Eric Altamirano (Purefoods, 1997), Ryan Gregorio (Purefoods, 2002) at Joel Banal (Talk ‘N Text, 2003) na nanalo ng titulo sa kanilang coaching debut sa liga.
“I’m not really thinking about that. We are just grateful with the situation we are in right now,†sabi ni Abanilla, dating La Salle Archer na natuto sa pagiging assistant ni Yeng Guiao sa Red Bull. “We started out with modest goals, but definitely we are now going to compete and try to get what every team wants – a championship.â€
Hindi rin iniisip ni Cone na mapantayan si Dalupan.
“I really don’t think about that at all. Honestly, it’s there. I already tried once but I didn’t make it with (import) Marqus (Blakely),†sabi ni Cone, patungkol sa pagkatalo ng Elasto Painters sa Governors’ Cup Finals noong nakaraang taon.
- Latest