La Salle kampeon sa 4 UAAP events
MANILA, Philippines - Habang ang lahat ay nakatuon sa tagisan para sa men’s basketball title, tahimik naman na nagtatrabaho ang defending overall champion La Salle para mapanatiling hawak ang titulo matapos ang 76th UAAP season.
Kumubra na ng apat na titulo ang Archers sa mga sports events na pinaglalabanan sa first semester para bigyan ng mainit na panimula ang pagpapalawig sa pagdodomina sa liga.
Kampeon ang Lady Archers sa basketball bukod sa judo habang ang Archers ay nagdomina sa taekwondo at table tennis.
May tatlong pangalawang pagtatapos ang La Salle sa larangan ng men’s swimming, women’s table tennis at badminton, ang unibersidad sa Taft, Manila ay may nangungunang 59 puntos sa kala-lakihan at 82 sa kababaihan. Una rin sila sa overall bitbit ang 147 puntos.
May kaakibat na puntos ang bawat pagtatapos na maitatala sa bawat events at ang champion ay mayroong 15 puntos, ang papangalawa ay mayroong 12 at papangatlo ay may 10 habang ang lalapag sa ikaapat hanggang ikawalo ay may 8, 6, 4, 2 at 1.
Ang Ateneo at UP ang lalabas na may ikalawang pinakamaraming bilang ng titles na nahagip sa tig-tatlo.
Winalis ng Eagles ang men’s at women’s badminton titles bukod sa panalo sa men’s judo habang ang Maroons ay kampeon sa magkabilang dibisyon sa swimming bukod sa wo-men’s table tennis.
Ang UST at National University ay may tig-dalawang titulo na at ang Adamson ay may isa habang ang UE at FEU ay wala pang napapanalunan.
Kampeon ang UST sa women’s taekwondo at sa poomsae, ang NU ay hari sa men’s beach volley at women’s badminton at ang Adamson ay nagdomina sa women’s beach volleyball.
Sa karera sa overall, ang UST at UP ay nakadikit sa La Salle sa men’s division sa 58 at 57 puntos habang ang UP ang pumapangalawa sa La Salle sa kababaihan sa malayong 63 puntos at angat lamang sila ng dalawang puntos sa pumapangatlong UST (61).
- Latest