5-diretso tinuhog ng Meadow Lad
MANILA, Philippines - Umabot na sa limang diretso ang pagpapasikat ng kabayong Meadow Lad nang manalo uli noong Huwebes ng gabi sa Metro Turf Club sa Malvar, Batangas.
Si apprentice rider JD Flores ang sumakay sa Meadow Lad na tila nakipagtulungan sa Gracious Host para maisantabi ang naunang pag-alagwa ng Kuya Yani sa kaagahan ng Special Handicap Race na pinag-labanan sa 1,200-metro distansya.
Sa huling liko ay nakuha na ng dalawang kabayo ang liderato at pinalad ang Meadow Lad na napuwesto sa balya upang pagpasok sa rekta ay hawak na ang liderato.
Ginamit na ni Flores ang latigo para hindi manlamig ang sakay na kabayo tungo sa halos dalawang dipang panalo sa Gracious Host na hawak ni EL Blancaflor.
Outstanding ang Meadow Lad para magkaroon ng balik-taya sa forecast na 4-6 habang ang win ay nagpamahagi ng P9.50 dibidendo.
Isa pang liyamadong nagpasikat ay ang Cote De Azur na dinomina ang class division 1 race sa 1,200-metro distansya.
Magkasabay ang Cote De Azur ni Jeff Zarate at Kogarah Lass ni EP Nahilat na binaybay ang rekta ngunit may naitatabi pang lakas ang una para umarangkada sa huling 50-metro sa 1,200-metro distansya tungo sa ikalawang sunod na panalo.
Nagbigay ang win ng P5.50 habang ang forecast na 4-1 ay nasa P10.50.
Lumabas din ang ga-ling ng Janelle’s Episode para maging long shot na kabayo na nanalo sa gabi.
Hinigitan ng kaba-yong sakay ni Rodeo Fernandez ang hamon ng Die-guito na hawak ni Torres para makuha ang panalo sa class division 1-C na inilagay sa 1,400-metro distansya.
Umabot ang 'di inaasa-hang panalo ng Janelle’s Episode ng P27.00 dibidendo at P62.00 ang ibinigay sa 1-3 forecast.
- Latest