Kukunin na ng Petron ang finals slot vs Rain Or Shine
MANILA, Philippines - Inaasahang hindi na pakakawalan ng Petron Blaze ang pagsikwat sa unang finals berth kasabay ng pagwalis sa kanilang semifinals series ng nagdedepensang Rain or Shine.
Tangan ang malaking 2-0 abante sa kanilang best-of-five semifinals series, sasagupain ng Boosters ang Elasto Painters ngayong alas-6:45 ng gabi sa Game Three para sa 2013 PBA Governor’s Cup sa Cuneta Astrodome sa Pasay City.
“Complacency is our enemy. But if we do things right, I think we’ll be okay,†wika ni head coach Gee Abanilla sa Petron, kasalukuyang nasa isang 10-game winning streak matapos yumukod sa Meralco sa kanilang unang asignatura sa single round eliminations.
Huling umabante sa isang championship series ang SMC franchise, may kabuuang 19 titulo, noong 2011 PBA Governor’s Cup kung saan sila iginiya ni dating coach Ato Agustin sa kampeo-nato.
Dinaig ng Petron ang Rain or Shine sa Game One, 91-83, at sa Game Two, 90-88, para ilista ang 2-0 kalamangan sa kanilang semifinals duel.
Sa Game Two ay nagtala ng nakakadismayang 0-of-18 shooting ang Elasto Painters ni Yeng Guiao sa three-point area.
“Kung naka-shoot kami maski isang 3-points, nanalo pa kami. I’m happy with overall effort of the team.†sabi ni Guiao sa Rain or Shine na hindi nagagamit sina Paul Lee (calf injury), JR Quinahan (Achilles) at Ryan Araña (flu).
Umaasa si Guiao na makakaiskor sila sa three-point range ngayong gabi.
“Hindi naman siguro kami 0-of-18 ulit sa three-point shot sa Saturday,†ani Guiao.
Hindi nakapagsalpak ng tres sina Jeff Chan (0-of-5), Beau Belga (0-of-4), import Arizona Reid (0-of-3), Gabe Norwood (0-of-2), Chris Tiu (0-of-2) at Chito Jaime (0-of-1).
- Latest