^

PM Sports

Japanese coach para sa Phl gymnasts

AT - Pang-masa

MANILA, Philippines - Kinuha ng Zippy Action Foundation si 28-year old Japanese gymnastics coach Munehiro Kugumiya para tumulong sa pagtuturo sa mga batang gymnastics na nahihilig sa Men’s Artistic Gymnastics (MAG).

Ang Foundation ay pinangungunahan ni Ryo Shirai at ito ang ikalawang sunod na taon na tutulong ito sa Gymnastics Association of the Philippines (GAP) dahil kaisa nila ang NSA na makitang ma-develop ang mga batang gymnasts ng bansa.

“We want to see the Filipino gymnasts extensively level up their performance and win medals in international competitions through the one-year training program of the Japanese coach,” wika ni Shirai sa pulong pambalitaan kahapon sa PSC Conference Hall.

Si Kugumiya ay nagturo  ng apat na taon sa Juntendo University sa Japan at naniniwala siyang malaki ang kanyang maibibigay na kaalaman dahil sa malawak na karanasan.

“I can train elite gymnasts and at the same time young children. I hope to see more children and teens in the gym,” wika ni Kugumiya gamit ang interpreter.

Si GAP president Cynthia Carrion na nakasama si PSC commissioner Akiko Thompson, ay nagpasalamat kay Shirai dahil ang patuloy na suporta ng kanyang foundation ay nagpapatibay sa paghahangad ng NSA na makapaglahok ng gymnast sa Youth Olympic Games sa Nanjing, China sa 2014.

 

vuukle comment

AKIKO THOMPSON

ANG FOUNDATION

ARTISTIC GYMNASTICS

CONFERENCE HALL

CYNTHIA CARRION

GYMNASTICS ASSOCIATION OF THE PHILIPPINES

JUNTENDO UNIVERSITY

MUNEHIRO KUGUMIYA

RYO SHIRAI

SHIRAI

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with