Angat na ang tigers
FINALS (Best-of-3)
Game 1 - UST, 73-72
Game 2 - SABADO, 3:30 p.m. (Smart Araneta Coliseum)
Kung kailangan:
Game 3 - Oct. 12, 3:30 p.m.
(Mall of Asia Arena)
MANILA, Philippines - Pinalad ang UST na natiyempuhan ni Karim Abdul ang binitiwang lay-up ni LA Revilla para tulungan ang koponan sa kapana-panabik na 73-72 panalo sa Game One ng 76th UAAP men’s basketball Finals kagabi sa Smart Araneta Coliseum sa Quezon City.
Umabot sa 20,525 ang taong nanood ng laban at nasulit ang kanilang ibinayad dahil balikatan ang naging labanan sa second half at nadesisyunan sa winning play sa natapik na bola ni Abdul upang hawakan ng Tigers ang 1-0 kalamangan.
“Grabe ang nangyari, breaks of the game. Kahit kami na-shock na panalo pala kami,†wika ni Tigers coach Alfredo Jarencio.
Mangangailangan na lamang ang UST na manalo pa sa Game Two sa Sabado sa Big Dome para wakasan ang anim na taong paghihintay para makahawak uli ng kampeonato.
Noong 2006 sa rookie year ni Jarencio huling nagkampeon ang UST para sa kanilang ika-18 kampeonato.
Si Kevin Ferrer ay mayroong 20 puntos at tampok niyang buslo ay ang ikalimang tres sa hu-ling 41.6 segundo para bigyan ang UST ng 73-69 kalamangan.
Ngunit hiniritan ni Jeron Teng ng foul si Aljon Mariano para sa kumpletong 3-point play at lumapit sa isa ang Archers.
Isang inbound error ang nangyari sa Tigers sa huling 27 segundo ngunit sablay ang tres ni Almond Vosotros.
Nagtapikan at napunta kay Revilla ang bola at inatake ang lane pero na-deflect ni Abdul ang bola. Kagulo uli sa rebound bago tumunog ang final buzzer.
Si Jeric Teng ay tumapos taglay ang 17 puntos at pito rito ay ginawa niya sa huling yugto para palamigin ang bawat tangka na umalagwa ang Archers.
“We were here before. Malaki talaga ang tulong ng championship expe-rience namin last year. Relax kami at alam namin ang aming gagawin,†ani Teng.
Naisahan din niya ang kanyang nakababatang kapatid hindi lamang dahil nanalo ang UST kungdi dahil nagmintis si Jeron sa ikalawang buslo sa ibinigay na foul sa huling isang minuto ng labanan.
UST (73) – Ferrer 20, Abdul 19, Teng 19, Sheriff 6, Daquioag 4, Bautista 3, Mariano 2, Lao 2, Pe 0, Lo 0.
DLSU (72) – Vosotros 20, Teng 15, Van Opstal 13, Perkins 11, T. Torres 7, Revilla 4, N. Torres 2, Tampus 0, Montalbo 0, Reyes 0, De La Paz 0.
Quarterscores: 23-13; 38-31; 50-54; 73-72.
- Latest