^

PM Sports

May panalo ang lahat ng 8 UAAP teams

AT - Pang-masa

MANILA, Philippines - Magkakaroon ng kinatawan ang walong paaralan na kasapi sa UAAP sa gagawing paggawad ng individual awards sa basketball na ibibigay sa Oktubre 5 sa Mall of Asia Arena sa Pasay City.

Manlalaro mula sa anim na paaralan ang kikilalanin sa kanilang husay ng paglalaro sa men’s division at ito ay pamumunuan ng FEU guard Terrence Romeo na siyang Most Valuable Player at kasapi ng Mythical team.

Ang dating two-time MVP na si Bobby Parks Jr. ng National University, Karim Abdul ng UST, Jason Perkins ng La Salle at Roi Sumang ng UE ang kukumpleto sa Mythical five habang si Kyles Lao ng UP ang Rookie of the Year.

Ang Adamson at Ateneo na kukumpleto sa walong kasaling koponan sa liga ay may represen-tante sa juniors division.

Si Thirdy Ravena ng Blue Eaglets ang siyang pinakamahusay sa high school players sa paggawad sa kanya ng MVP at Mythical slot.

Si Reinier  Quinga ang kakatawan sa Adamson bilang center sa juniors Mythical team na kabibilanganan din nina Mark Dyke, John Paul Cauilan at Hubert Cani ng Natio-nal University.

Ang UST cager Aaron Reyes ang siyang ROY sa juniors.

Si Camille Sambile ng FEU Lady Tamaraws ang  MVP sa women’s division at may puwesto sa Mythical team kasama sina national player Da-nica Jose ng Ateneo, Ara Abaca ng La Salle, Afril Bernardino ng NU at Lore Rivera ng UST. Si Joy Sto. Domingo ng UE ang pinakamahusay na bagito sa kababaihan.

AARON REYES

AFRIL BERNARDINO

ANG ADAMSON

ARA ABACA

ATENEO

BLUE EAGLETS

BOBBY PARKS JR.

HUBERT CANI

JASON PERKINS

LA SALLE

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with