Lalabanan ang La Salle Green Archers sa 76th UAAP Finals: Tigers panalo sa Bulldogs
LARO SA
MIYERKULES
(Smart Araneta Coliseum)
4 p.m. La Salle vs UST (Game 1-Finals)
MANILA, Philippines - Lumabas ang bangis ng University of Sto. Tomas sa final canto para maÂkumpleto ang domiÂnasÂyon sa National UniÂverÂsity, 76-69, sa kanilang ‘do-or-die’ game sa Final Four ng 76th UAAP men’s basketball tournament kahapon sa Mall of Asia Arena sa Pasay City.
Isang 8-0 bomba na piÂnagningas ng tres ni Kevin Ferrer ang siyang ginamit ng Tigers para maÂiÂsantabi ang pag-agaw ng Bulldogs sa momentum nang magtala ng 56-52 kalamangan sa huling 7:31 ng labanan.
Ito ang ikalawang sunod na panalo ng UST kontra sa NU para maging kauna-unahang koponan na nakapasok sa UAAP FiÂnals bilang No. 4 team saÂpul nang gamitin ang FiÂnal Four format sa liga.
Umagos ang luha sa mga maÂta ni Tigers’ coach Pido JaÂrencio kahit mahigit isang minuto pa ang nalaÂlaÂbi sa laro.
“Hindi ko akalain na aabot kami dito. Marami rin ang nagdududa sa kaÂÂÂkayahan kong mag-coach,†ani Jarencio.
Si Ferrer ay nagtala ng 18 puntos at ang kanyang tres sa huling 4:16 sa orasan ang tuluyang nagtabon sa 61-59 bentahe ng Bulldogs mula kay Gelo AloÂlino.
Si Jeric Teng ang naÂmuÂno sa UST galing sa kanÂÂyang 19 puntos, habang si Aljon Mariano ay may 12 puntos.
May 15 puntos si Bobby Ray Parks Jr. para sa NU pero hindi na siya naÂkaÂiskor sa fourth quarter.
Lalabanan ng Tigers ang La Salle Green Archers sa best-of-three title series na magsisimula sa Miyerkules sa Smart Araneta Coliseum.
Sinibak ng La Salle ang Far Eastern UniversiÂty sa Final Four.
UST 76 - Teng 19, Ferrer 18, Mariano 12, Bautista 8, Sheriff 6, Abdul 6, Daquioag 3, Lo 2, Pe 1, Lao 1, Hainga 0.
NU 69 - Parks 15, Mbe 10, Alolino 10, Javelona 9, Villamor 8, Rosario 6, Roño 6, Khobuntin 3, Javillonar 2, Porter 0, Neypes 0, Alejandro 0.
Quarterscores: 19-10; 31-31; 50-49; 76-69.
- Latest