$62M contract extension sa Kings kay Cousins
MANILA, Philippines - Nakipagkasundo si DeMarcus Cousins sa Sacramento Kings para sa isang four-year, $62 million maximum contract extension, sabi ng league source sa Yahoo Sports.
Nakasaad sa kontrata ni Cousins sa Kings ang maagang termination option sa kanyang pangatlong taon, wika ng source.
Matapos tanggihang bigyan si Cousins ng isang maxi-mum deal nang walang kondisyon sa kanyang kontrata ay bumigay na rin ang Kings sa hinihingi ng sentro.
Nagposte ang 23-anyos na si Cousins ng mga averages na 17 points at 10 rebounds para sa Kings noong nakaraang season.
Siya ang fifth overall pick noong 2010 draft at naging ikatlong miyembro ng naturang grupo matapos sina Washington Wizards’ guard John Wall at Indiana Pacers’ forward Paul George na nakakuha ng isang maximum contract extension.
Nasisiyahan si New Kings owner Vivek Rana-dive sa talento ni Cousins at determinadong bigyan ito ng extension contract bago magsimula ang kanilang training camp sa susunod na linggo.
Ilang beses nang napatawan si Cousins ng suspensyon sa kanyang tatlong NBA seasons.
- Latest