Phl Arnis team naghakot ng medalya
MANILA, Philippines - Sumikwat ng 4-gold, 5-silver at 4-bronze medals ang Philippine arnis team sa World Martial Arts Festival kasabay ng pag-angkin sa overall title sa unang International Thang-ta Championships sa Chungju, Korea kamakailan.
Tinalo ni Reg Geli ang kababa-yang si Hannah Donato para sa gintong medalya sa lightweight division ng Thang-ta Championships, habang ibinulsa ni Daniel Bernas ang ginto sa half lightweight class.
Sina Masters Richard Gialogo at Ryan Gialogo ang kumuha sa gold at silver medals sa half heavyweight division at si Allan Valencia ang nagdomina sa heavyweight category.
Si Georgia Uy ang pumitas sa silver medal sa half lightweight class, samantalang sina John Donato at Jake Fragranted ang tumipa ng silver at bronze, ayon sa pagkakasunod, sa lightweight division.
Kinuha nina Jeff Tan at Ryan Bermase ang silver at bronze medals, ayon sa pagkakasunod, sa middleweight cate-gory para kunin ng bansa ang overall title sa Thang-ta tilt.
Inangkin din ni Bermase ang bronze sa double-sword sparring category sa ikalawang Chungju Open Martial Spirit Masters Championships at nakipagtulu-ngan kina Bernas, Tan, Valencia at Xavier Garcia sa pagtatapos sa ikaapat sa five-man team long sword category.
- Latest