Nicknames sa jersey ng Miami at Brooklyn
Lagi na lang nag-iisip ang NBA kung ano ang magandang bagong jersey para mas lalong maging mabenta ito.
May mga jersey na ginawa bilang pagkilala sa kulturang Latino, rebrands at redesigns, retro reissues at short-sleeved strips, ilang alternate uniforms at kombinasyon ng lahat ng ito.
Ang naisip ngayon ng NBA ay ang paggamit ng mga nicknames ng mga players sa jersey na gagawin muna sa Miami at Brooklyn.
Ayon sa isang ulat, pinag-uusapan na ng Heat team ang paggamit ng nicknames na ipapalit sa mga pangalan ng mga players sa taas ng numbers sa upper back na isa sa kanilang alternate jersey styles.
Ang experiment ay hindi lang sa South Beach dahil gagamit din ang Brooklyn Nets ng ‘nickname jerseys’ sa isa sa kanilang apat na matchups ngayong season.
Walang komento ang Miami tungkol dito dahil hindi pa inihahayag ang plano ng NBA ngunit alam na ito ng dalawang team.
Kung matutuloy, makikita sa mga jersey ang mga pangalang ‘King James,’ ‘The Truth,’ ‘K.G.’ at ‘Birdman.’ Maaari ding makita ang ‘U.D.’ kay Udonis Haslem, ‘AK47’ kay Andrei Kirilenko at ‘Super Cool Beas’ kay Michael Beasley.
Paano ang ibang player na wala pang magandang nickname? Parang hindi bagay ang ‘D-Will’ para kay Deron Williams at ‘Rio’ kay Mario Chalmers.
- Latest