^

PM Sports

Phl team sasabak sa FIBA-Asia U16 meet

Pang-masa

MANILA, Philippines - Umalis na ang Phi-lippine Under-16 team noong Lunes patungong Iran para sumabak sa FIBA-Asia U16 Championships na magsisimula ngayon sa Tehran.

Makakatapat ng mga Pinoy ang Kazakhstan at Chinese Taipei sa Group D at awtomatikong pasok na sila sa second round katulad ng India, Japan at Jordan  sa Group C dahil tigatlong teams lang ang sumali sa kani-kanilang grupo habang ang ibang grupo ay may tig-4-teams.

Ang Group A ay kinabibilangan ng reigning back-to-back cham-pion China, Bahrain, Hong Kong at Syria habang ang Group B ay binubuo ng Iran, Korea, Malaysia at Thailand.

“We’re going there to do battle and make the country proud,” ani coach Jamike Jarin bago umalis ang team.

Ang koponan ay binubuo nina  Mike at Matt Nieto at Jolo Mendoza ng Ateneo, Carlo Abadeza at Mike dela Cruz ng La Salle-Greenhills, Ri-chard Escoto ng Far Eastern U, Paul Desiderio ng UP, Diego Dario UPIS, Enzo Navarro ng San Sebastian, Arnie Padilla ng Sacred Heart of Cebu, Mikel Panlilio ng Beacon at  Jolo Go ng Hope.

Naka-bye ang mga Pinoy sa first day at sasabak sa  alas-12:00  (Manila time) ng gabi sa Huwebes,  bago harapin ang Taipei  sa Biyernes.

ANG GROUP A

ARNIE PADILLA

CARLO ABADEZA

CHINESE TAIPEI

DIEGO DARIO

ENZO NAVARRO

FAR EASTERN U

GROUP B

GROUP C

GROUP D

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with