^

PM Sports

Umpisa na ng q’finals unahan sa panalo

Russeell Cadayona - Pang-masa

MANILA, Philippines - Isang panalo lamang ang parehong kailangan ng No. 2 San Mig Coffee at ng No. 3 Meralco para umabante sa best-of-five semifinals series.

Tangan ang ‘twice-to-beat’ advantage, lalabanan ng Mixers ang No. 7 Alaska Aces ngayong alas-7:30 ng gabi matapos ang bakbakan ng Bolts at ng No. 6 Barako Bull Energy sa alas-5:15 ng hapon sa quarterfinal round ng 2013 PBA Go-vernor’s Cup sa Smart Araneta Coliseum.

Kagaya ng San Mig Coffee at Meralco, magbibitbit din ng ‘twice-to-beat’ incentive sa quarterfinals ang No. 1 Petron Blaze laban sa mananalo sa playoff ng Talk ‘N Text at Ginebra kagabi na uupo sa No. 8 at ang No. 4 at nagdedepensang Rain or Shine kontra sa No. 5 Globalport.

Sumasakay sa isang five-game winning streak ang San Mig Coffee sa pagharap sa Alaska, nagmula sa 107-121 pagyukod sa talsik nang Air21 noong Setyembre 22.

Nagkagulo ang Mixers at ang Aces sa preseason kung saan nagpormahan sina Joe Devance at rookie Calvin Abueva.

Puntirya ng San Mig Coffee ang kanilang ikalawang sunod na finals appearance sa PBA Governor’s Cup matapos magawa ito noong nakaraang taon, habang target ng Alaska ang kanilang pangalawang finals stint makaraang magkampeon sa 2013 PBA Commissioner’s Cup.

Tinalo ng Mixers ni Cone ang Aces ni mentor Luigi Trillo sa elimination round, 95-82, tampok ang 28 rebounds, 22 points at 8 assists ni import Marqus Blakely.

ALASKA ACES

BARAKO BULL ENERGY

CALVIN ABUEVA

JOE DEVANCE

LUIGI TRILLO

MARQUS BLAKELY

MERALCO

N TEXT

SAN MIG COFFEE

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with