^

PM Sports

Unahan sa puwesto

AT - Pang-masa

MANILA, Philippines - Apat na koponan na palaban pa sa puwesto sa susunod na yugto ang magbabalak na kumuha ng panalo sa 89th NCAA men’s basketball ngayon sa The Arena sa San Juan City.

Mangunguna rito ang mainit na San Sebastian na susukatin ang tila lumalamyang host St. Benilde sa ganap na ika-4 ng hapon na susundan ng tagisan ng Arellano at Jose Rizal University dakong alas-6 ng gabi.

Ang San Beda at Perpetual Help ay halos pasok na sa semifinal sa kanilang 11-2 at 11-3 baraha pero ang tagisan para sa hu-ling dalawang puwesto ay mainitan pang pinaglalabanan lalo pa’t dumanas ng di inaasahang 64-87 pagkapahiya ang Letran sa kamay ng Emilio Aguinaldo College.

May 10-3 baraha ngayon ang Knights at ang pagkatalo ay nagbukas ng pintuan para paglabanan pa ang ikatlong puwesto.

Ang Stags na okupado ang pang-apat na puwesto sa 8-5 baraha, ang may pagkakataon na dumikit pa sa Knights kung maililista ang ika-limang sunod na tagumpay kontra sa Blazers na may 5-8 baraha pero talunan sa huling dalawang laro laban sa Red Lions at Altas.

Limang laro na lamang ang nalalabi sa Blazers at kailangan nilang maipanalo ang mga ito para gumanda ang tsansang makahirit ng playoff para sa huling tiket sa semifinals.

Ganito rin ang sitwasyon ng Arellano na mas masama ang baraha sa Blazers sa 4-9 karta.

Pero binibigyan ng tsansa ang tropa ni coach Koy Banal na naunang itinalaga bilang isa sa team-to-beat sa season dahil ang Heavy Bombers ay napagtatalo sa kanilang huling apat na laro.

Naisahan din ng Chiefs ang Heavy Bombers sa first round, 67-64, at ito ay makakatulong pa para tumaas ang morale ng Arellano players na galing sa 59-70 pagkatalo sa Letran.

vuukle comment

ANG SAN BEDA

ANG STAGS

ARELLANO

EMILIO AGUINALDO COLLEGE

HEAVY BOMBERS

JOSE RIZAL UNIVERSITY

KOY BANAL

LETRAN

PERPETUAL HELP

RED LIONS

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with