Mayor Dualan Trophy Race pakakawalan sa San Lazaro
MANILA, Philippines - Tampok na karera sa pagÂtatapos ng isang linggong karera sa tatlong magÂkakaibang race tracks ngaÂyon ang paglarga ng MaÂyor Junio C Dualan TroÂphy Race sa San LaÂzaro Leisure Park sa CarmoÂna, Cavite.
Anim na kabayo ang maglalaban-laban sa 1,200-metro distansya at ang mananalo ay magkaÂkaroon ng karapatang maÂiÂuÂwi ang paglalabanang P180,000.00 premyo.
Ang mga kasali ay ang Purple Ribbon (Dan CaÂmañero), Bruno’s Cut (JB Hernandez), AmaÂzing Migs (RR De Leon), Michika (RA Tablizo), Angat Ang Pinoy (FM RaÂquel Jr.), Royal Jewels (DH Borbe Jr.).
Hindi malayong maÂpaÂboran ang kabayong aaÂÂkayin ni Borbe matapos maÂnalo noong Setyembre 10 sa Santa Ana Park laban sa Extra Ordinary.
Tiyak namang hindi basta-basta susunod at asaÂhan na makikipagbaliÂkatan ang ibang kalahok daÂhil sa premyong pagÂlalabanan.
Ang isa pang karera na may added prize ay ang race five na isang 3YO Maiden Race na inilagay sa 1,300-metro distansya.
Halagang P10,000.00 na ibibigay ng Philracom sa mananalong kabayo ang dagdag benepisyo ng mananalo sa hanay ng waÂlong maglalaban.
Ang mga kasali ay ang Lookin at Lucky, Gangnam Style, Bright Valor, Yes Friday, Silver Wings, Tabitha, Star Trick at HoÂnorable Joe.
Inaasahang mapapaÂboran ang Silver Wings na didiskartehan ni Pat DiÂlema dahil sariwa ito sa pagÂtakbo sa mas mataas na 3YO and Up race at tuÂmapos ito sa pang-apat na puwesto.
May paglalabanang P200,005.86 na carry-over sa Super Six sa huÂling karera.
- Latest