Archers inangkin ang no. 2 Berth: Bulldogs sasagupain ang Tigers ngayon sa Final 4
MANILA, Philippines - Sinandalan ng De La Salle University ang maÂinit na pagbuslo sa three-point line para iuwi ang 74-69 tagumpay laban sa Far Eastern UniversiÂty sa kanilang playoff game sa 76th UAAP men’s basketball tournament kahapon sa Mall of Asia Arena sa Pasay City.
May season-high na 11 tres ang Green Archers sa laro at si LA Revilla na bumanat lamang ng apat sa 12 laban ay may 6-of-11 shooting para sa kaÂnilang ‘twice-to-beat’ adÂvantage sa Final Four konÂÂtra sa Tamaraws.
Tumapos si Revilla na may 20 points.
Opisyal na magsisiÂmula ang semis match-up ng dalawa sa Miyerkules at kailangan lamang ng tropa ni coach Juno Sauler na manalo pa para umabante sa Finals.
“We have to come into this game mentally ready and mentally tough,†wiÂka ni Revilla na naghahatid lamang ng 4.3 puntos average sa season.
Ang kanyang pinakamahalagang kontribusyon ay ang pang-anim na tres sa 55.1 segundo na pumiÂgil sa 12-2 palitan upang ang FEU ay makabangon mula sa 51-66 iskor at nakapanakot sa 63-68.
Matapos malimitahan sa tatlong puntos sa first half, kumamada si Terrence Romeo at tumapos pa taglay ang 22 puntos sa mahinang 6-of-21 shooÂting.
Pero ang tunay na ininÂda ng tropa ni coach Nash Racela ay ang malamÂyang 5-of-34 shooting sa 3-point line matapos hiÂrangin bilang No. 1 3-point shooting team sa eliÂmination round.
“We worked on our shots and we were just forÂtunate we were able to hit our open shots. But still, we could have done a better way in cloÂsing out the game,†wika ni Sauler sa La Salle na sumasakay sa isang eight-game winning streak.
Samantala, magkuÂkrus ang landas ng No. 1 team National UniversiÂty at fourth ranked UniverÂsity of Sto. Tomas sa Smart Araneta Coliseum ngaÂyong alas-4 ng hapon sa kanilang Final Four.
Kailangan lamang maÂnalo ng Bulldogs sa runner-up noong nakaraang taon na Tigers upang makapasok sa UAAP Finals na huling nangyari noon pang 1954-55 season.
La Salle 74 - Revilla 20, Perkins 14, Teng 13, Van Opstal 6, T. Torres 6, Salem 6, Vosotros 4, N. Torres 3, Tampus 2, De La Paz 0.
FEU 69 - Romeo 22, Garcia 16, Belo 9, Tolomia 6, Mendoza 6, Pogoy 4, Hargrove 4, Cruz 2, Sentcheu 2.
Quarterscores: 18-11; 37-27; 60-49; 74-69.
- Latest