Duremdes bagong coach ng Falcons
MANILA, Philippines - Hinirang ng Acamson University si alumni at daÂting PBA superstar Kenneth Duremdes bilang bagong head coach kapalit ni Leo Austria.
Ito ang inihayag kahapon ni team manager Gilbert Cruz sa kanilang pagpili sa dating PBA Most Valuable Player.
Matapos ang kampanya ng Falcons sa kasalukuÂyang 76th UAAP men’s basketball tournament ay nagÂdesisyon si Austria na huwag nang pumirma ng baÂgong kontrata.
Si Duremdes ay naglaro para sa Falcons noong 1990s kasabay ni dating PBA Rookie of the Year Marlou Aquino, Giovanni Pineda at seven-footer Edward JoÂseph Feihl.
Ang naturang grupo ang nagdala sa Falcons sa UAAP Finals noong 1992 kung saan sila winalis ng FEU Tamaraws nina Johnny Abarrientos at Vic Pablo sa kanilang best-of-three series.
Bukod kay Aquino, makakasama ni Duremdes sa kanyang coaching staff sa Falcons si Vince Hizon.
Ang tubong Marbel, South Cotabato na si Duremdes ay hinirang na PBA MVP noong 1998 habang nagÂÂÂlalaro para sa Alaska at nakasama sa 25 GreaÂÂtest PlaÂyers ng pro league.
- Latest