No. 2 spot pag-aagawan ng La Salle, FEU
MANILA, Philippines - Winalis ng Green ArÂchers ang kanilang kabuÂuang pitong laro sa seÂcond round at makakuha ng playoff para sa No. 2 seat sa Final Four ng 76th UAAP men’s basketball tourÂnament.
Sumasakay sa isang seÂven-game winning streak, sasagupain ng De La Salle University ang Far Eastern University sa isang playoff para sa No. 2 tiket ngayong alas-4 ng haÂpon sa Mall of Asaia AreÂna sa Pasay City.
Nauna nang inangkin ng National University ang No. 1 spot at makakaÂlaÂÂban ang No. 4 UniversiÂty of Sto. Tomas sa Final Four.
Ang No. 1 at No. 2 teams ang hahawak ng ‘twice-to-beat’ advantage sa semifinals.
“We take things on a per day basis. We work hard in practice, and hopefully, we’re able to bring those things out during the games,†sabi ni rookie coach Juno Sauler sa kanyang Green Archers.
Kapwa nagtapos na may 10-4 record ang NU, FEU at La Salle sa elimiÂnaÂtion round.
Ngunit dahil sa superior quotient ng Bulldogs ay nakamit nito ang No. 1 seeding sa Final Four.
Muling pangungunahan nina Jeron Teng, LA ReÂvilla, Norbert Torres, AlÂmond Vosotros, Jason PerÂkins at Arnold Van OpsÂtal ang Green Archers kaÂtapat sina 2013 Most VaÂluable Player Terrence RoÂmeo, RR Garcia, Mike ToÂlomia, Anthony Hargrove, Carl Bryan Cruz at Roger Pogoy ng Tamaraws.
Tinalo ng FEU ang La Salle sa first round, 83-79, habang rumesbak naÂman ang Taft-based school mula sa kanilang 75-66 paÂnalo sa seÂcond round.
“We are satisfied, but I’m not saying na nandoÂon na kami sa level na gusÂto namin,†ani mentor Nash Racela sa Tamaraws. “We are still worÂking on a lot of things. We are hoping that, by Final Four, napasok na namin ang kailangan namin.â€
- Latest