Pacquiao sinimulan na ang aksyon sa ibabaw ng ring
MANILA, Philippines - Matapos ang ilang beses na paglalaro ng basketball at pagtakbo sa track oval ay sinimulan na ni Filipino world eight-division champion Manny Pacquiao ang kanÂyang seryosong pagpapakondisyon sa kanyang Wild Card Gym sa General Santos City.
Kasama si Filipino assistant trainer Buboy Fernandez, umakyat sa boxing ring si Pacquiao at bumitaw ng ilang suntok.
Ang isa dito ay tumama sa panga ni Fernandez.
Si Fernandez ang pansamantalang humahawak sa pagÂsasanay ng 34-anyos na si Pacquiao dahil sa ikalawang linggo pa ng Oktubre darating sa bansa si chief trainer Freddie Roach.
Kasalukuyang inihahanda ni Roach si Miguel Cotto sa kanyang Wild Card Boxing Gym sa Hollywood, California.
Sasagupain ni Pacquiao (54-5-2, 38 KOs) si Brandon ‘Bam Bam’ Rios (31-1-1, 23 KOs) para sa World BoÂxing Organization International welterweight title sa Nobyembre 24 sa The Venetian sa Macau, China.
Tatanggap si Pacquiao ng guaranteed prize na $18 milyon, habang $4 milyon naman ang makukuha ng 27-anyos na si Rios.
- Latest