Pagkuha kay Kirilenko kinuwestiyon ng iba
BROOKLYN -- Maraming kumuwestiyon sa pagkuha ng Brooklyn Nets kay Andrei Kirilenko noong Hulyo.
Una ay ang problema ng Nets sa kanilang luxury tax bill na lalong bibigat sa pagpapapirma sa dating Utah Jazz at Minnesota Timberwolves forward na tuÂmanggap ng $9.8 milyon noong nakaraang season.
Ibinabandera rin ng Nets sina Deron Williams, Brook Lopez at Joe Johnson bukod pa sa paghugot kiÂna Paul Pierce at Kevin Garnett.
Sa paglipat sa Brooklyn ay tinanggihan ng 32-anÂyos na si Kirilenko ang naunang alok na $10 million plaÂyer option ng Minnesota.
Mas pinili ng Russian cager na lumagda kay Nets owner at Russian billionaire Mikhail Prokhorov.
Si Kirilenko ay naging player ni Prokhorov sa koÂpoÂnang CSKA Moscow noong 1998 hanggang 2001.
“Let’s see if the league has any credibility,†wika ng isang NBA owner sa Yahoo Sports.
“It’s not about stopping it. It’s about punishing them if they’re doing it.â€
“There should be a probe. How obvious is it?†sabi naman ng isang Eastern Conference General Manager.
“When there is a formal complaint, the league will look into it,†wika ng isang NBA official.
- Latest