Para sa ikaapat at huling puwesto sa Final Four Tigers sinibak ang Ateneo Blue Eagles
MANILA, Philippines - Nagwakas na ang liÂmang sunod na taong paÂmamayagpag ng Blue Eagles sa UAAP men’s basÂketball tournament.
Humugot si Jeric Teng ng pito sa kanyang 19 points sa final canto, habang nagsalpak si Clark BauÂtista ng dalawang three-point shots para igiya ang UniÂverÂsity of Sto. ToÂmas sa 82-74 paggupo sa five-time champions AteÂneo De Manila UniÂverÂsity at angÂkinin ang ikaÂapat at huÂling silya sa FiÂnal Four ng 76th UAAP season kaÂgabi sa Smart AraÂneta CoÂliseum.
“MaÂbigat kalaban ang AteÂneo. Defending champion ‘yan. Five years nag-champion ‘yan eh, kaya medyo mahirap talunin ng ganun-ganun na lang,†ani UST coach Pido JaÂrencio matapos ang laro.
Makakasagupa ng No. 4 Tigers ang No. 1 NaÂtional University Bulldogs sa Final Four, habang pag-aagawan ng Far Eastern University Tamaraws at La Salle Green ArÂchers sa Sabado ang No. 2 berth.
Ang No. 1 at No. 2 teams ang hahawak ng ‘twice-to-beat’ advantage laÂban sa No. 4 at No. 3 squads sa Final Four.
Pinangunahan ni import Karim Abdul ang paÂnalo ng Tigers mula sa kanÂyang game-high na 25 markers, ang 19 dito ay kanÂyang iniskor sa first half kung saan naiwaÂnan ang Blue Eagles, 39-26.
Ipinoste ng UST ang isang 18-point lead, 37-19, sa 2:02 ng second period mula sa isang jumper ni Teng.
Sa likod nina Kiefer RaÂvena, Chris Newsome at Ryan Buenafe ay naÂagaw ng Ateneo, natapos ang 14 sunod na Final Four appearance, ang kaÂÂlaÂÂmangan sa 43-42 sa 3:26 ng third quarter.
Binuksan ng Tigers ang final canto mula sa isang 13-2 atake, tampok diÂto ang dalawang tres ni BauÂtista at isa ni Teng, paÂra kunin ang isang 12-point advantage sa 65-53 sa 7:02 nito.
Huling nakalapit ang Blue Eagles sa 74-77 sa naÂtitirang 29 segundo.
Nagsalpak si Teng ng apat na sunod na free throws sa huling 27 at 19 segundo para muling ilaÂyo ang UST sa 81-74.
Sa unang laro, tinalo ng sibak nang University of the East Red Warriors ang University of the Philippines Fighting Maroons, 76-73.
UST 82 - Abdul 25, Teng 17, Daquioag 13, Ferrer 10, Mariano 7, Bautista 6, SheÂriff 4, Pe 0, Lo 0, Lao 0.
Ateneo 74 - Ravena 20, Newsome 3, Elorde 12, BueÂnafe 9, Pessumal 8, Golla 4, Erram 4, Tolentino 2, Tiongson 2, Capacio 0.
Quarterscores: 25-14, 39-26, 52-5, 82-74.
- Latest