ALA-Cobra tunay na lakas boxing tour Luzon leg sa Setyembre 28
MANILA, Philippines - Sisimulan ng ALA Promotions ang paghahanap ng mga potensyal na world boxing champions sa pamamagitan ng ALA-Cobra Tunay na Lakas Boxing Tour.
Bubuksan ang Luzon leg sa Setyembre 28 sa Mandaluyong City na tatampukan ng isang six-fight card sa pangunguna ng laban nina Rene Bestodio at Jonel Alivio.
Sinabi kahapon ni ALA Promotions vice-president Dennis Cañete sa lingguhang Philippine SportswriÂters Association (PSA) Forum sa Shakey’s Malate na gusto nilang humanap ng mga boksingerong nakabase sa Luzon.
“Sa laki ng Luzon, alam namin na maraming poÂtential fighters dito who can become champion someday. That’s why naisipan namin to extend the ALA-Cobra Tunay na Lakas Boxing Tour here to give fighÂters from Luzon the avenue to showcase their taÂlent and skills,†wika ni Cañete.
Inihalimbawa naman ni ALA Promotions events manager Claire Anlukban sina World Boxing Organization mini-flyweight champion Merlito Sabillo at undefeated world title prospect King Arthur VillaÂnueva na mga produkto ng naturang boxing tour na idinaos sa Visayas-Mindanao region.
“Diyan sila nagsimula before reaching their current status,†sabi ni Anlukban.
Ang Luzon tour ay isasabay sa VisMin tour kagaya ng ginagawa ng Mexico.
“It’s almost the same blueprint which Mexico follows, kaya ang daming boxing tournaments doon where you can really see a lot of talent and potential,†ani Cañete.
Matapos ang Mandaluyong stage, dadalhin ang ALA-Cobra Tunay na Lakas Boxing Tour sa Laguna Province sa Oktubre kasunod sa Makati, Rizal ProÂvince at Cavite City.
- Latest