Jaiho hindi napigilan ng mga kalaban para sa panalo
MANILA, Philippines - Hindi napigil ang maÂlakas na pagdating ng kabaÂyong Jaiho para maÂkapanggulat noong Lunes ng gabi sa San Lazaro LeiÂsure Park sa Carmona, Cavite.
Isang special class division ang pinaglabanang kaÂrera sa 1,300-metro disÂtansya at ang Jaiho ay siÂnakyan ng class D jockey AC De Guzman.
Nalagay sa malayong pang-apat na puwesto sa liÂÂmang kalahok ang tamÂbaÂlan sa alisan, habang ang dehadong Immaculate ang nagdikta sa laban kaÂsunod ng Shoemaker at napaborang Hot.
Sa huling kurbada ay nagsimula ng bumulusok ang Jaiho at nalagay na sa ikatlong puwesto sa pagÂpaÂsok ng rekta.
Hindi pa ubos at may bitbit pang lakas ang nasaÂbing kabayo para abutan sa meta ang Immaculate na saÂkay ng apprentice jockey JL Paano at binigyan ng piÂnakamagaang na 49 kilos handicap weight.
Tinapos ng panalong ito ng Jaiho ang dalawang suÂnod na pangatlong puwestong pagtatapos ang kaÂÂbayo at ang pumangalaÂwa ay hindi napaboran paÂÂra magÂhatid ng saya sa mga dehadista.
May P58.50 ang ibiniÂgay sa win ng Jaiho, haÂbang ang 2-5 forecast ay nagpasok ng P487.00 diÂbidendo.
Isa pang nagpasigla sa mga long shot ay ang UniÂca Champ sa class division 1C race.
Tinantiya-tantiya lamang ng kabayong hawak ni Val Dilema ang haÂmon ng ibang katunggali bago luÂmayo sa huling 100-metro tungo sa panaÂlo sa 1,300-metro distansyang karera.
Huling nanalo ang UnÂica Champ noon pang MarÂso bago ipinahinga sa suÂmunod na limang buwan.
Pero hindi nagbago ang tikas ng kabayo at naÂnalo sa Mikes Treasure na hawak ng apprentice jocÂkey JD FloÂres.
Umabot sa P58.50 ang ibinigay sa win, habang ang 3-7 forecast ay may magandang P696.50 dibidendo.
- Latest