Ipinalit si import Courtney Fells kay Tony Mitchell, Texters desperado na para sa quarterfinals
MANILA, Philippines - Kailangang walisin ng Tropang Texters ang kaÂnilang huling dalawang laÂro sa layuning mapalaÂkas ang kanilang tsansa sa isang tiket sa quarterfinal round ng 2013 PBA GoÂvernor’s Cup.
Hinugot ng Talk ‘N Text si Courtney Fells biÂÂlang kapalit ni Tony MitÂÂchell, ginamit din nila sa nakaraang 2013 PBA ComÂÂmissioner’s Cup na piÂnagharian ng Alaska.
Sa paghugot sa 27-anyos na si Fells ay umaÂasa si head coach NorÂman Black na magbaÂbago ang kanilang kapaÂlaran.
“We hope to get a lift from him especially on the defensive end of the floor,†sabi ni Black. “It’s pretty much do or die for us. It’s a tough task but we will give all our energy to get a win.â€
Ibabandera ng Tropang Texters si Fells sa pagÂharap sa nagdedepenÂsang Rain or Shine Elasto Painters ngayong alas-7:30 ng gabi matapos ang banggaan ng Aces at BaÂrako Bull Energy sa alas-5:15 ng hapon sa Cuneta Astrodome sa Pasay City.
Sa ilalim ni Mitchell ay nahulog ang Talk ‘N Text sa isang three-game loÂsing slump.
Nanggaling ang Tropang Texters sa 102-106 pagÂÂyukod sa Air21 Express.
Napanood si Fells paÂra sa Boston Celtics sa naÂÂÂkaraang NBA Summer League kung saan nagÂÂtala siya ng mga aveÂrages na 7.2 points, 1.8 reÂbounds at 1.6 steals.
Nagmula rin sa kabiÂguÂan ang Rain or Shine makaraang takasan ng BaÂrangay Ginebra, 100-101, noong Sabado.
Tatlong free throws ang isinalpak ni Mac BaÂracael sa natitirang 0.3 seÂgundo mula sa foul sa kanÂya ni Beau Belga sa three-point line na nagpanalo sa Gin Kings.
Asam ng Elasto PainÂters na mapalakas ang kaÂnilang tsansa para sa No. 4 seat sa Top Four.
Magkakaroon ng ‘twice-to--beat’ advantage ang mga koponan sa Top Four sa quarterfinals laban sa mga nasa lower bracÂket.
Sa unang laro, magpiÂpilit na makabawi ang BaÂrako Bull at ang Alaska sa kanilang mga two-game losing skid.
Natalo ang Energy sa San Mig Coffee Mixers, 77-81, habang nabigo naman ang Aces sa BoosÂters, 100-103.
- Latest