Sevillano, Enriquez kampeon sa Shell Jr. Active Chess
MANILA, Philippines - Kinumpleto ni Kyle Rhenzi Sevillano ang kanyang pag-angat mula sa pagiging kampeon sa kiddies division patungo sa pagdomina sa juniors class, habang buma-ngon si Jean Karen Enriquez mula sa isang kabiguan sa final round para angkinin ang juniors girls’ crown sa 21st Shell National Youth Active Chess Championships grand finals sa SM Megamall Event Center noong Linggo.
Nanalo si Sevillano, winalis ang unang limang laban, ng dalawang laro para iposte ang 7.5 points. Tinalo ng Mindanao leg winner sina Mark Labog at Jeazzir Surposa sa sixth at seventh rounds bago nakipag-draw kay Candidate Master Jan Nigel Galan sa eighth round. Natalo naman siya kay Vince Medina sa final round, ngunit nakamit pa rin ang titulo sa 10-player round robin tournament na inihahandog ng Pilipinas Shell.
Binigo naman ni Enriquez si Gladys Hazelle Romero sa seventh round at isinunod sina Michelle Yaon at Jazzelle Villarin bago naipatalo ang final round match kay top seed Ella Grace Moulic.
Nagtala ang Southern Luzon leg winner ng 7.0 points para talunin sina Moulic at No. 2 Arvie Lozano na may parehong 6.0 points para sa korona.
- Latest