^

PM Sports

Rondo hindi aabot sa season opener

Pang-masa

BOSTON -- Inaasahang hindi pa makakalaro si Boston Celtics point guard Rajon Rondo sa kanilang preseason at ilang laro sa regular season, ayon sa CSNNewEngland.com.

Walang ibinigay na petsa ang Celtics kung kailan makakabalik si Rondo sa kanyang pagre-recover mula sa napunit na ACL sa kanang tuhod.

Nagpapawis na si Rondo kasama si bagong coach Brad Stevens noong nakaraang linggo.

“He’s obviously limited in what he can do on the court,” wika ni Stevens kay Rondo. “But he’s a worker. That was one thing that was very noticeable.”

Nagkaroon ng injury si Rondo noong Enero 25 sa kanilang laro kontra sa Atlanta Hawks at sumailalim sa MRI dalawang araw matapos ang laro.

Ang surgery ay pinamahalaan ni Dr. James Andrews noong Pebrero 15.

Nauna nang sinabi ni Danny Ainge, ang president of basketball operations ng Celtics, na magbabalik si Rondo sa pagsisimula ng season.

Ayon naman kay Stevens, wala pa siyang petsang naitatakda kung kailan maglalaro si Rondo.

“That’s something that you have to balance,” ani Stevens. “You are going to introduce some things that may be best for him.  Oct. 7 in our first exhibition game, and he may not be available. So you’re gonna have to figure out where you go from there and how to best fit pieces into those spots.”

Bubuksan ng Celtics ang regular season sa Oktubre 30 kontra sa Toronto Raptors.

ATLANTA HAWKS

AYON

BOSTON CELTICS

BRAD STEVENS

DANNY AINGE

DR. JAMES ANDREWS

RAJON RONDO

RONDO

TORONTO RAPTORS

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with